7 patay, 4 nasaktan dahil sa bagyong Kristine –NDRRMC
PITO ang naiulat na patay dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa bahagi ng Luzon.
Ayon sa 8 a.m. situation report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong Huwebes, October 24, anim ang pumanaw sa Bicol region at isa sa Calabarzon.
Pero paglilinaw ng ahensya, ito ay kasalukuyang vina-validate pa.
Bukod diyan, may apat ding nasaktan sa Bicol Region at may pitong missing persons sa parehong lugar, pati rin sa Calabarzon at Ilocos Region.
Baka Bet Mo: PAWS nanawagan sa kaligtasan ng mga hayop sa pananalasa ng bagyong Kristine
Ayon din sa data, mahigit dalawang milyong katao ang apektado ng malakas na bagyo na kung saan ay 12,334 ang nasa evacuation centers, habang may 364 ang nanatili sa kanilang lugar.
Nagkaroon pa nga ng breakdown ang NDRRMC sa mga naapektuhang residente: 1,669,507 individuals ang mula sa Bicol Region, 351,913 sa Bangsamoro at 24,748 sa Mimaropa.
Itinala rin ng ahensya na aabot sa 189 na lugar ang binaha kabilang na ang mga nasa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at Bangsamoro region.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.