PAWS nanawagan sa kaligtasan ng mga hayop sa pananalasa ng bagyong Kristine
PINAALALAHANAN ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang publiko hinggil sa paano mapangangalagaan at mapapanatiling ligtas ang mga alagang hayop sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine.
Sa inilabas na Facebook post ng organisasyon ngayong Miyerkules, October 23, inisa-isa nito ang mga maaring gawin ng pet owners tuwing may bagyo.
BE PREPARED.
Know your evacuation plan and have an emergency pet go-kit ready. Ensure you know how and where you can safely transport your pets.
Baka Bet Mo: ‘Hindi self-defense ang pagpaslang sa Golden Retriever na si Killua’ –PAWS
View this post on Instagram
BE RESOURCEFUL.
Everyday items like laundry baskets or basins can be lifesavers as makeshift carriers.
If you cannot evacuate with your pets, PLEASE UNCAGE AND UNCHAIN THEM to give them a fighting chance for survival.
Bukod pa rito ay ipinaalala rin ng PAWS sa mga local na pamahalaan ma tiyaking sumusunod sa Animal Welfare Act ang mga facility para sa mga impounded animal.
“We call on LGU pounds to always consider the animals in their care during times of disaster and crisis.
“In such dire events, the impounded animals must be evacuated alongside the pound’s staff or, if for any compelling reason evacuation with them is not possible, the humane option is to set these animals free from their cages so that they can swim to safety, rather than just leaving them trapped in danger,” pakiusap ng PAWS.
Sa ngayon ay nananatili pa rin sa bansa ang bagyong Kristine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.