Cong. Lray Villafuerte: P500 is still better than not giving anything
IPINAGTANGGOL ni Camarines Sur 2nd District Rep. LRay Villafuerte ang anak na si CamSur 5th District Rep. Migz Villafuerte laban sa mga bumabatikos rito.
Ito ay may kaugnayan sa nag-viral na larawan ng congressman kung saan namimigay ito ng P500 sa isang ginang na tila na-trap sa kanilang bahay dahil sa baha dahol sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Noong October 24, nag-post ang anak ni Cong. LRay ng kanyang paglilibit sa kanilang lugar para magpaabot ng tulong at mag-rescue sa kanilang mga kababayan.
“Kasama ang aking mga katiwalang personal close-in security at kaibigan, sinugod po namin ang tatlong araw ng stranded at di nakakakain na mga CSPC boarders sa Nabua. 17 total rescued sa aming team. More to come! But we need more teams!” saad ni Cong. Migz.
Baka Bet Mo: Villafuerte tinawag na sinungaling, ul*l nasa likod ng Siargao fake news
View this post on Instagram
Ngunit nakuha ang atensyon ng mga netizens sa isang larawan kung saan nakikita ang anak ni Cong. LRay ang pag-aabot ng P500 sa isang residente.
“During this time of difficulty yan ba yung leader na gusto nyong iboto at iupo ng matagal. Ano gagawin sa 500 eh wala nga mabibilihan dahil lubog din sa baha or sarado. Hindi ba nag iisip yan na pwedeng food or water ang ipamigay. Time to wake up CamSur tama nayan. Iba naman,” komento ng isang netizen.
“PAGKAIN! PAGKAKAN po ang kailangan saan makakabakal ng pagkakan kung baha intero at lubog lahat … MAG-ISIP ISIP naman po,” puna pa ng isa.
Sa katunayan isang doktora rin ang sinagot ni Cong. LRay matapos umano nitong magparing sa viral photo ng anak na kapwa kongresista.
“500 talaga? Di man lang pagkain at tubig,” saad ng doktora.
Ibinahagi naman ni Cong. LRay ang screenshot ng post ng doktora kalakip ang sagot niya rito.
“Sa panahon ngayon na Maraming pagsubok because of the devastation brought about by typhoon #KristinePH. Meron Pa din mga taong kagaya ni Dra Shay Ramos na Habang nag papasarap ng buhay ay may gana pa manira , mag bash saamin particularly ki Cong Migz Villafuerte .
“Alam mo madam shay . Help is help no matter what you say ! Php 500 pesos is still better than not giving anything and better than what you are doing,” saad ni Cong. LRay.
Iginiit pa nito ang paghindi nito ng libreng supply ng gamot.
“You bash , complain about our action and yet ang lakas ng luob mo humingi ng tulong by asking free supply of doxycycline. Mahiya ka naman ! Gusto mo pa humingi ng libreng doxycycline sa pharmacy ng provincial health office at ibebenta mo sa mga patients mo through your online consultation! What your trying to do is unethical and your medical license should be revoked!
“Sa kalagayan mo , kayang kaya mo bumili ng doxycycline Bakit ka humihingi ng libre ! You bash us and yet you ask help from us ! Shame on you! We help everyone who needs help , even to people like you !
“Send us the names of persons who need doxycycline in camsur and we will do our best to provide but we cannot give you free supply of doxycycline and risk you selling it for your on profit while you continue to bash us,” mahabang talak ni Cong. LRay.
Sa huli ay sinabi niyang bukas sila sa anumang uri ng kritisismo bilang mga kawani ng gobyerno ngunit ang pangba-bash raw sa kanila pagkatapos ay ang paghingi ng libreng gamot ay ibang usapin raw.
Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol sa doktora.
“Lray Villafuerte where in her message did she say that she was asking it for free or wants to sell it?” tanong ng isang netizen.
Sey pa ng isa, “Dr. Ramos was not even asking for FREE medicines. She was simply asking if the pharmacy have doxycycline available.”
“Hello Cong. LRay. What she did I believe is a personal opinion and definitely with a point. You do also have a point but the difference is you’re a public official and all eyes are on you and she’s a private citizen. It might be hard on your part coz even if you do things right, your haters shall continue to hate you.
“There’s no objectivity on things. Here are your resolve: 1. Take down this post and consider her opinion as part of her right scrutinizing you. 2. Continue good deeds coz not a single opinion shall discredit your work. Thank you and God Bless us,” sabi naman ng isa pang netizen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.