Ahtisa ginagamit sa fake donation drive para sa mga biktima ni Kristine
NAG-WARNING sa publiko si Miss Cosmo Philippines 2024 Ahtisa Manalo hinggil sa sindikato sa social media na gumagamit sa pangalan niya para makapanloko.
Isa raw itong fake Telegram account kung saan mababasa ang kanyang pangalan at nanghihingi ng donasyon para raw sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Idinaan ni Ahtisa sa pamamagitan ng kanyang Instagram Broadcast Channel ang babala sa lahat ng netizens na makakabasa sa pekeng Telegram account.
“FAKE ACCOUNT ALERT I would like to warn the public of the circulating fake Telegram account posing as me. Please beware of messages from the number 0954-443-7246.
Baka Bet Mo: Michelle wasak ang puso sa pagkatalo ni Ahtisa sa Miss Cosmo 2024, pero…
“If contacted, kindly report the account and please do not entertain it to avoid scams and misinformation of any kind. Thank you and stay vigilant!” ang mensahe ng beauty queen sa lahat ng kanyang social media followers.
Nag-post din siya sa kanyang Facebook account at ipinaalam sa publiko ang ginagawang panloloko ng mga taong nasa likod ng fake Telegram account.
Kinondena rin ni Ahtisa ang lahat ng mga taong nananamantala at nagnanakaw sa gitna ng nangyayaring kalamidad sa bansa.
View this post on Instagram
“ATTENTION PLEASE Nasa kalagitnaan po tayo ng kalamidad ngayon, pero bakit may mga taong katulad nito na mapagsamantala at mangloloko?
“Hindi po sa akin ang account na ito at hindi po kami nanghihingi ng donations directly.
“Kaya po kami nagshe-share ng mga donation drives ng mga org like Angat Buhay para sa kanila po kayo mag donate.
“Kami po ay amplifier lamang ng mga pangagalingan ng tao, hindi tagatanggap ng donasyon. Mag ingat po tayo sa mangloloko. Salamat at ingat po ang lahat,” babala pa ng dalaga sa kanyang post kalakip ang screenshots ng taong nasa likod ng scam account.
Pahabol pang mensahe ni Ahtisa, “The name of the scammer who created a fake Telegram account using my name and picture to ask for ‘donations.’
“Be careful of ‘Jonathan Monuz Misal’ using the number 0954-443-7246 everyone! This is not me and don’t fall for this scam. Keep safe everyone!” aniya pa.
Isa pa sa mga beauty queen na gumagawa ng paraan para makapagbigay ng tulong sa mga biktima ni Kristine ay si Miss Grand Philippines 2024 CJ Opiaza.
Kahit na busy sa paghahanda sa Miss Grand International 2024 grand coronation sa Bangkok, Thailand ay nag-e-effort pa rin ang dalaga para makatulong.
Post ni CJ sa kanyang Instagram Story, “Hello, y’all! I know everyone is in the hype of tonight’s preliminary show.
“But I’d like to take this opportunity to call everyone’s attention to use their social media platforms as well in seeking for help and calling out for rescue for our kababayans, particularly in the Bicol Region, who are experiencing the wrath of Bagyong Kristine (Trami).
“Let us offer our sincerest and deepest prayers. I am hoping that everyone is safe back home,” aniya.
Sinundan uli ito ni CJ ng isa pang post, “Hello, again everyone! I am deeply saddened by the devastation and the loss of lives caused by the typhoon Kristine.
“I am calling for everyone’s attention, let us please offer our prayers for the departed and express our heartfelt condolences to those bereaved families.
“There are specific Philippine NGO’s and charitable institutions who’s calling for donations for the victims of the typhoon.
“Kindly tap these organizations to volunteer or donate. As one nation, hand-in-hand, let us be there for one another, especially in times like these.”
“Lubog po sa Baha. Ito na yata pinaka mataas na water level in 30 years. Yung mga hindi binabaha dati ngayon oo na. We need aid/help,” ang buong pahayag ni CJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.