Euwenn Mikaell pinabilib sina Michael at Eula: Hindi pangkaraniwang bata!
GRABE palang kausap ang award-winning Kapuso child star na si Euwenn Mikaell! Para talaga siyang matanda na kung magsalita at sumagot sa mga tanong sa kanya.
Si Euwenn ang nagwaging Best Child Performer sa Metro Manila Film Festival 2023 dahil sa napakagaling na performance niya bilang si Tonton sa “Firefly” na siya ring nagwaging Best Picture sa taunang filmfest.
Na-interview ng BANDERA si Euwenn sa naganap na grand mediacon ng latest series ng GMA 7, ang “Forever Young” na magsisimula na ngayong Lunes, October 21.
In fairness, matalino talaga ang 11-anyos na bata dahil halos lahat ng tanong namin sa kanya ay nasagot niya nang bonggang-bongga at may sense, ha!
Baka Bet Mo: Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider
Sa katunayan, todo puri sa kanya ang lahat ng kasamahan niya sa “Forever Young” kabilang na ang mga seasoned actors na sina Michael de Mesa at Eula Valdes.
Pagbabahagi ni Eula sa presscon ng bago nilang serye, “Una ko siyang napanood kasi sa Fast Talk. So from there, napansin ko na hindi siya karaniwang bata. Hindi yung kapag may tinanong, ang sasagutin, ‘Ano po…ah.’
“Siya hindi, nag-iisip siya. So winish ko noon na, ‘Sana, sana makatrabaho ko itong batang to, nakakatuwa.’ Tapos biglang itong project na ito, siya yung makatrabaho ko. So, tuwang-tuwa ako na makaeksena siya.
“Siyempre, hindi naman maiiwasan na nandu’n pa rin yung pagkabata niya, e. Makulit pa rin,” sey ng premyadong aktres.
View this post on Instagram
Kuwento naman ni Michael, “Una kong narinig ang pangalang Euwenn Mikaell ay dahil sa Firefly, although, to be honest, hindi ko pa siya napapanood.
“Sabi nga ni Euwenn kahapon, e, ‘Panoorin mo na, panoorin mo na kasi.’ Tapos, nabalitaan ko na marami siyang napanalunang awards dahil sa Firefly.
“Tapos, una ko siyang na-meet nung nag-get together yung cast for a table read. And doon pa lang, medyo ha, na-impress ako kasi nag-deliver siya sa table read.
“Pero noong nagti-taping na kami, super na-impress talaga ako sa kanya kasi katulad ng sinabi ni Eula, hindi siya pangkaraniwang bata,” pahayag ng veteran actor.
Dagdag ni Michael, “And as an actor, hindi lang siya basta-basta yung makikinig sa instructions, kasi meron siyang questions.
“So, yun ang maganda sa kanya because he’s also a thinking actor. Hindi niya basta-basta bibitawan. Kailangan niya ng concrete motivation kung bakit niya ginagawa ito, kung bakit niya kailangan gawin.
“So for somebody who’s 11 and ganyan na siya magtrabaho, I can say na he’s an extraordinary actor. This boy is gifted. I’m always on my toes kapag kaeksena ko siya kasi marami kaming eksena together.
“And hindi, you can’t just wing it kasi yung mga binibigay niya sa yo, madadala ka talaga. Kaya super enjoy ako kapag kaeksena ko siya.
“And not only that, even off-camera, kapag nag-uusap kami, we just don’t talk about the project but we talk about life. And for an 11-year-old, he’s very, very mature. Ayaw nga niyong mag-asawa, e, kasi mahirap daw ang child custody.”
Samantala, base sa paliwanag ng direktor ng serye na si Gil Tejada, tungkol sa politika at public service ang kuwento nito.
“Kasi actually, concept to nung isang writer namin ano. So, actually ang concept nito, to create something different, something new, out of the box, na hindi pa nakikita ng tao.
“Di ba, ang pansin mo, yung bida natin, bata, pero yung age niya is already 25 years old. So, more or less, alam na natin, he’s already matured. So, yun ang magiging buhay niya,” aniya.
View this post on Instagram
Buti na nga lang daw at ipalalabas ang serye bago pa ang election ban, dahil baka raw maapektuhan ang kandidatura ng isa sa mga cast member na si Alfred Vargas na tatakbo uling konsehal sa Quezon City.
“Actually, it was a sort of a blessing for us na iere na siya. Kasi kung next year, parang mapapansin na siya sa election, si Alfred tatamaan sa election ban.
“So, automatic, magiging problema namin. So, I think it’s a wise decision for the management to show it ahead of time and very timely na naman.
“Kasi nag-file na ng election last week, tapos next week tayo naman ang iere. So, very timely ang kuwento natin,” paliwanag pa ni Direk Gil.
Ang “Forever Young” ang papalit sa “Abot-Kamay Na Pangarap” na nagtapos na last Saturday sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.