Kanino mas ‘nasarapan’ si Lovi sa Guilty Pleasure, kay JM o kay Jameson?
NAKAKALOKA ang award-winning actress na si Lovi Poe! Talagang pasabog kung pasabog ang mga eksena niya sa pelikulang “Guilty Pleasure.”
In fairness, sa trailer pa lang ng naturang movie ay kitang-kita mo na agad na isa na naman itong de-kalidad na proyekto mula sa Regal Entertainment at sa C’est Lovi Productions na pag-aari ni Lovi.
Napanganga at napa-wow ang mga members ng entertainment media sa ipinalabas na trailer during the grand presscon of “Guilty Pleasure” recently.
Pinalakpakan ng mga nasa mediacon ang mga love scene ni Lovi sa dalawa niyang leading man na sina JM de Guzman at Jameson Blake.
R-16 ang rating na ibinigay ng MTRCB sa “Guilty Pleasure” kaya alam na! Sabi nga ng direktor nitong si Conni Macatuno, ito raw ang pinakaseksing pelikulang ipalalabas sa mga sinehan this year.
Baka Bet Mo: Jameson Blake umaming naligaw ng landas noon: I was a very curious teenager
“Merong ginawa si JM at saka si Lovi na intimate scene there na na-surprise rin ako sa kanila but I let it be. ‘Yung parang they were playing a song, and then, sobrang naging intense ‘yung emotions nila.
“’Yung kay Jameson naman saka kay Lovi, ang masasabi ko lang, lasing siya (Jameson) sa sarap. Charot!” ang natawang pambubuking pa ni direk Connie sa dalawa niyang artista.
“Intoxicated is the word. Intoxicated siya sa ganda ni Alexis (karakter ni Lovi),” aniya pa.
Sey naman ni Lovi, ginawa niya ang lahat ng maseselan at intense scenes sa movie dahil sa trust niya kay Direk Connie. In fact, first day lang ng shooting nila ay love scene agad nila ni Jameson ang kinunan.
Birong hirit naman ni JM, “I feel violated.”
Sa tanong naman kay Lovi kung kanino siya mas “nasarapan” kina JM at Jameson at natawa lamang ang aktres.
“Iba kasi ‘yung atake ng bawat isa. Magkaiba, eh. It’s a different experience. So, they delivered perfectly sa characters nila.” “Unusual” daw ang intimate scene nila ni JM at “loving and tender” naman kay Jameson.
“But the sexy part of the film is just tip of the iceberg. There’s so much depth in the story and everyone did an amazing job,” sey pa ng premyadong aktres.
Mapapanood na simula sa October 16 sa mga sinehan nationwide ang “Guilty Pleasure” mula sa Regal Entertainment at C’est Lovi Productions. Kasama rin sa movie sina Sarah Edwards, Dustin Yu, at Angelica Lao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.