Jameson Blake umaming naligaw ng landas noon: I was a very curious teenager | Bandera

Jameson Blake umaming naligaw ng landas noon: I was a very curious teenager

Therese Arceo |September 24,2022
facebook
share this

Jameson Blake umaming naligaw ng landas noon: I was a very curious teenager

Therese Arceo - September 24, 2022 - 11:45 PM

Jameson Blake umaming naligaw ng landas noon: I was a very curious teenager
AMINADO ang aktor at dating miyembro ng Hashtags na si Jameson Blake na naranasan na niyang ang maligaw ng landas
bago niya pasukin ang mundo ng showbiz at noong pumasok siya sa industriya.

Sa kanyang panayam sa talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog ay ikinuwento nito ang kanyang nga karanasan.

“Dumaan ako sa ganoon when I was in high school. I had a lot of friends… Ganoon talaga nag-i-start yung mga ganyan, when you make friends,” umpisa ni Jameson.

“I’ve made a lot of good friends. I also made a lot of friends na pasaway and I joined them,” sabi ni Jameson tungkol sa pagkakaroon ng masamang bisyo.

Aniya, marami raw siyang naging kaibigan noon, may mga nakilala rin siyang mga pasaway at naki-join siya sa mga ito.

At dala nga ng kanyang kabataan ay sinubukan ni Jameson ang ilang mga bagay tulad na nga lang ng paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot.

Lahad niya, “I would say na I was a very curious teenager. Gusto kong mag-explore. I wanted to have fun. “I wanted to experience something new, na hindi [nararanasan] sa province. Yes, taking party drugs. I would say I had my fun.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jameson Blake (@jmsnblake)

At nagtuloy-tuloy ang kanyang bisyo hanggang sa pasukin niya ang mundo ng showbiz.

“Oo. Mas na-expose ako nung nasa showbiz na ako. Kasi, I’m meeting a lot of people… not sa showbiz, pero I’m meeting outside showbiz also,” pagbabahagi ni Jameson.

“I’ve been meeting different people and there’s a lot of parties. It eventually happened,” dagdag pa niya.

Pag-amin ni Jameson ay hindi niya masasabing nape-pressure siya sa paligid dahil mismong siya ang may gusto noong una.

“I wanted to try it out. I was just that curious.”

Ngunit tinalikuran na raw ito ni Jameson nang magsimula ang pandemya. Napagtanto kasi niya na mas marami pang ibang mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Bukod pa rito, siya ang breadwinner at inaasahan ng kanyang pamilya kaya mas pinili niyang palitan ang kanyang mga nakasanayan.

“Hindi naman nagbagong buhay, pero I changed a lot of my habits. I learned from that na I have something way more important to focus on, which is my career and I had to think about that. And also my family since breadwinner din ako sa family,” sey ni Jameson.

Dagdag pa niya, naisip rin niya na baka magdulot lang rin ito ng kapahamakan sa kanya kaya rin nag-decide na siyang talikuran ito.

“I’m happy na I’m out of it. Wala na ako sa phase na iyon,” sambit ni Jameson.

Related Chika:
Jameson Blake itinangging may relasyon sila ni Heaven Peralejo: We’re not together

Jameson Blake pinag-ingat; sinamahan ng multo hanggang Maynila

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heaven Peralejo, Jameson Blake magdyowa na raw: ‘Kung ganyan ka kaganda, maraming aaligid sa ‘yo, maraming manliligaw’

Ivana Alawi sa magiging dyowa: Mas gusto ko yung mahal na mahal ako kesa mahal na mahal ko siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending