Pagtakbo ni Willie sa 2025 umani ng kanegahan, umatras kaya sa laban?
MARAMI ang nagulat sa last minute filing ni Willie Revillame ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagkasenador sa Eleksyon 2025 nitong nagdaang Oktubre 8 sa The Manila Hotel Tent City.
Inakala kasi ng lahat na hindi na nito itutuloy ang planong pasukin ang politika pero biglang nabago ang lahat at nagdesisyon ngang kumandidato bilang senador.
Sa programang “Cristy Ferminute” kahapon nina Cristy Fermin at Romel Chika sa 92.3 Radyo5 True FM ay binasa isa-isa ng una ang mga negatibong komento mula sa CFM’ers.
“Saan papunta si Willie?” ang unang tanong kay Nanay Cristy na sinagot niya ng, “Hindi ko alam kung ano ang naging desisyon niya kung bakit biglang nagbago.”
Baka Bet Mo: Cristy Fermin napailing sa mga isyu tungkol kay Alex Gonzaga: Dapat may espasyo lang siyang kanya
Tanda raw ni ‘Nay Cristy nang interbyuhin si Willie ng news team ng TV5 ay out na ang politika dahil sa tatlong taong kontrata nito sa Kapatid Network para sa programa niyang Will To Win.
“E, kaso nagpaalam naman daw siya kay Mr. Manny V. Pangilinan, kay MVP at sinabi raw na, ‘sige suportahan kita’ kaya nagbago raw ang isip niya.
“Kaya lang Romel nega talaga ang dating niya sa publiko, eh. Unang-una ‘yung nakita nating ugali niya sa ere na baka madala niya sa kampanya. Huwag na muna do’n sa pananalo kasi mahabang salaysayin pa ‘yan.
View this post on Instagram
“Dito muna sa kampanya na baka ‘yung init ng ulo niya ay madala niya, paano na? ‘Yan ang mga naririnig ko at nababasa ko,” paliwanag ni ‘Nay Cristy.
Say naman ni Romel Chika, “Ang nakakalungkot lang kasi ay may mga hugot ang mga komento kasi may pinanggagalingan silang mga history ng nangyari kay Kuya Wil.
“Nasaksihan iyan sa mga nagdaan na episode ng show niya at natatakot sila na baka makita natin sa senado which is ang sabi naman ni kuya Wil na ang nagtulak sa kanya ay ang pag-aaway-away ng mga senador,” sabi ni Romel.
Nabanggit nga ito ni Willie sa panayam niya kay Gretchen Ho kamakailan. Aniya, “Nu’ng nakita ko ‘yung awayan nang awayan sa congress, awayan nang awayan sa senado, sabi ko, ‘kawawa ang mga Pilipino.’ Ito ‘yung mga taong ibinoto, ito ‘yung mga taong pinagkakatiwalaan pero nakakalimutan ‘yong mga kawawang kababayan natin.”
Reaksyon naman ni ‘Nay Cristy sa sinabi ni Romel Chika, “Nagsalita siya sa pag-aaway-away as if naman pagkatahi-tahimik ng kanyang mundo.”
Nabanggit ni ‘Nay Cristy na viral video raw ngayon na pagkatapos mag-file ni Willie ng CoC ay may nag-interview sa kanya at binabara raw nito dahil English ang tanong sa kanya.
“Tagalugin mo na lang ang question mo, umiikot (viral) na kaagad ‘yun,” saad nito.
At saka binasa isa-isa ni ‘Nay Cristy ang mga komento ng netizens at tagasubaybay ng “CFM.”
“Naawa siya (Willie) sa mahirap, e, ginagamit nga niya ang pera niya at ginagamit niya ang mahihirap din, hindi mananalo ‘yan, ayokong sabihin ‘yung salita pero tsutsu lang ang boboto diyan,” sabi ng isang tagapakinig.
“Grabe, alam n’yo po may mga binabalikan ang ating mga kababayan, ‘yung ugali niya talaga na ika nga natin ay ang naturalesa na pagkahirap-hirap ang pinaggalingan na hindi niya maiiwasan.
“Kung sana ang ipinakita nya ay hindi siya pikon, hindi siya magagalitin. Alam naman natin ang mundo ng politika, grabe! Grabe ang stress dito, grabe ang labanan kahit independent candidate siya sigurado ‘yan mayroon pa ring makakasagasa at siya ay masasagasaan,” punto de vista ni Nay Cristy.
Dagdag pa, “Sabi niya hindi raw siya nasisiyahan na hanggang sa studio (Will to Win) ang kanyang natutulungan kesyo kapag siya ay pinalad na manalo ay mas marami siyang matutulungan.
“Ang tao kasing tumutulong ay hindi binibilang ang kanyang natutulungan. Ang pinakaimportante ay ang busilak na puso na nakatutulong. Quality hindi quantity, ganu’n ‘yun.”
Isa sa nagustuhan naming binasa ni ‘Nay Cristy ay mula sa kanilang tagasubaybay.
“Isa pa itong walang salita, how can you trust someone who has no word of honor para siyang si Yorme (Isko Moreno) not to voting for him.”
Mula kay Tita Nene Ulanday, “Anong nangyari Kuya Wil at biglang nagbago ang isip mo? Tutukan mo na lang ang show mo, huwag ka nang masyadong mainitin ang ulo ng wala sa lugar.”
Mula kay Juris Doctor channel, “Hindi ako boboto sa kandidatong urong-sulong at walang paninindigan, para sa akin simple lang ang pagpilian black or white (at) yes or no. Walang gitna hindi pupuwedeng gawing white ang black o no ang yes dahil lang sa impluwensiya ng iba.”
May mga nagsabing dapat sumalang muna si Willie sa anger management dahil nga mabilis itong magalit.
“Uy, pabasa naman ng positibo (komento),” sambit ni Nay Cristy.
Nag-check din kami sa mga ibang sites tungkol saa pagtakbo ni Willie Revillame at wala rin kaming nabasang positibo.
Natawa kami sa isa pang komento, “anong nangyari kay kuya Wil? Hindi siya masaya na ang staff (Will to Win) lang ang pagalitan niya kundi pati sambayan.”
Duda namin na baka umurong si Willie sa bandang huli dahil walang positibong mababasa tungkol sa kanya? Baka naman magsasayang lang siya ng panahon at pera?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.