Kween Yasmin sa politika: Sinabihan ka lang, tatakbo ka na!?

Hugot ni Kween Yasmin sa politika: Sinabihan ka lang, tatakbo ka na!?

Ervin Santiago - October 09, 2024 - 10:40 AM

Hugot ni Kween Yasmin sa politika: Sinabihan ka lang, tatakbo ka na!?

Kween Yasmin at Vice Ganda

IN FAIRNESS, may point ang sagot ng content creator na si Kween Yasmin nang tanungin kung binalak din ba niyang tumakbo sa darating na 2025 elections.

Sandamakmak kasing mga artista at social media personalities ang naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (CoCs) para sa pagkandidato nila sa midterm elections next year.

Kabilang na nga riyan ang mga vloggers na sina Diwata at Rosmar Tan na unang nakilala ng publiko sa paggawa ng iba’t ibang content sa YouTube at Facebook.

Baka Bet Mo: Kween Yasmin nilinaw ang isyu sa ex-dyowa: Late ko na nalaman na may asawa’t anak pala siya

Sa kanyang socmed account, insusisa nga ang content creator na si Kween Yasmin kung naisip din ba niyang pumasok sa mundo ng politika sa gitna ng kanyang kasikatan bilang komedyana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmin Marie M. Asistido (@kweenyasmin)


Mariing “hindi” ang sagot ng tinaguriang “All Purpose Queen” at “Asia’s Songbook” kasabay ng pagpapaliwanag na ang pagiging politiko at public servant ay hindi basta-basta lang na trabaho.

“Your honor, hindi po. Kasi kailangan kapag tatakbo ka, alam mo ‘yung possibilities, ‘yung alituntunin, ‘yung gusto mong ipatakbo,” simulang esplika ng YouTuber na sumikat dahil sa mga nakakatawa at pampa-good vibes niyang video.

Dagdag pa ni Kween Yasmin, “Hindi ‘yung sinabihan ka lang, tatakbo ka na. Kailangan desido ka talaga kasi buhay ang nakasalalay diyan.

“Pangalan mo nakasalalay diyan, maraming tao. Maraming mga mamamayang Pilipino ang nangangailangan,” mariin pa niyang paliwanag.

Hirit pa ni Kween Yasmin, “Running man, pwede pa.”

* * *

Nagpasalamat ang Pambansang Host na si Luis Manzano at si Direk John Prats para sa panibagong all-time high viewership record ang “Rainbow Rumble” na umabot sa 519,495 combined peak concurrent viewers sa Kapamilya Online Live noong Sabado at Linggo (Setyembre 28 at 29).

“Maraming salamat sa 519k+ na pagmamahal and for making #RainbowRumble the top trending topic this weekend, Kapamilya!” sabi nila sa Instagram.

Noong Sabado, nanguna sa trending topics ang OPM group na BGYO sa X. Naglaro sa show ang members nito na sina Akira, Mikki, JL, Nate, at Gelo, kung saan nanalo si Akira ng P82,000 sa jackpot round.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Samantala, sumali naman ang PBA Motoclub members na sina Ryan Araña, Jerwin Gaco, Cyrus Baguio, KG Canaleta, at Rico Maierhofer kung saan nanalo naman si Ryan ng P80,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makisagot na sa tanong at alamin kung sweswertihin kaya ang Rumblers sa susunod na weekend. Patuloy na panoorin ang “Rainbow Rumble” tuwing Sabado at Linggo, 7:15 p.m., sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending