Chloe bad influence raw kay Carlos, tinawag na epal, famewhore

Chloe bad influence raw kay Carlos, tinawag na epal na GF at ‘famewhore’

Ervin Santiago - October 08, 2024 - 12:00 PM

Chloe bad influence raw kay Carlos, tinawag na epal na GF at 'famewhore'

Chloe San Jose at Carlos Yulo

INAAKUSAHAN ng mga bashers ang content creator na si Chloe San Jose ng pagiging bad influence sa kanyang boyfriend na si Carlos Yulo.

Siya raw kasi ang pumipigil at humaharang sa 2-time Olympic gold medalist ng Pilipinas para makipagkita at makipag-ayos sa pamilya nito na hanggang ngayon ay patuloy niyang dinededma.

Pero ayon kay Chloe, hindi raw totoong iniimpluwensiyahan niya ang mga desisyon ni Caloy sa buhay, lalo na sa isyu nito sa kanyang mga magulang na sina Angelica Yulo at Mark Andrew Yulo.

Baka Bet Mo: Chloe, Carlos nag-sorry na noon kay Angelica, ilang beses sinuyo pero anyare?

Sa panayam ni Toni Gonzaga kay Chloe na napapanood sa YouTube channel nito, sinagot ng vlogger at singer ang akusasyon sa kanya na bad influence kay Carlos.

Mariing sabi ni Chloe, may sariling isip at disposisyon sa buhay ang Pinoy champ at ang mga desisyon ng binata sa ilang hinaharap na kontrobersya ay hindi galing sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam ko naman po ‘yung decisions po ni Caloy, sa kanya naman po nanggagaling, e. Never ko naman po siyang sinabihang ‘Gawin mo ‘to, gawin mo ‘yan,’” depensa ni Chloe.

Pagtatanggol pa niya sa sarili, “Lahat naman po ng nangyayari sa buhay ni Caloy, it’s all him. Even ‘yung nag-Olympics siya, ‘yung na-achieve niya, it’s all him.”

Sagot naman ni Chloe sa mga tumatawag sa kanya na, “famewhore”, “Para kasi sa akin, nakapag-build na rin ako ng name ko way back pa, before ko pa makilala si Caloy.

“Nagmu-music ako, nagko-content creation ako. Nagkataon lang nga po na na si Caloy is national athlete tapos palagi kaming magkasama.

“Kaya nasasabihan ako na gusto ko yung life ni Caloy which is mapunta din sa akin. Not naman po, nandu’n lang ako to support him,” paliwanag ng dalaga.

Nagpaliwanag din ang vlogger kung bakit siya ang nakikipagbardagulan sa pamilya ni Carlos tungkol sa mga isyu ng pamilya Yulo. At siya rin ang pumapatol sa mga bashers sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sabi nila disrespectful, ganyan, pero ang sa akin, nagbo-voice out lang ako ng opinions, (tapos sasabihin nila), ‘ah sumasagot ka na, wala kang respeto.’

“Okay lang naman po kasi alam ko naman sa sarili ko na malinis ang kunsensiya ko, na inilalabas ko lang yung opinion ko, yung nararamdaman ko,” aniya pa.

Sa mga nagsasabi naman na wala siyang karapatang magsalita at makialam sa family problems ng pamilya Yulo dahil girlfriend pa lang siya at hindi pa asawa.

“I’m just standing up lamg po. Hindi ko rin kasi kaya yung ginagawa nila kay Caloy. Sa akin, sa sobrang palaban ko, ‘Ay hindi pwede to, mali yan.’

“E, di ma-misinterpret nila kasi hindi naman yun ang intention ko. I’m just standing up for someone that I love and for what’s right. I’m just telling the truth,” sabi pa ni Chloe.

Sana raw ay inaayos na lang nila ni Caloy ang problema sa pamilya privately para hindi na nakikisawsaw ang ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And we did po. We tried. So, for the past two years, we’ve been reaching out so many times. Maraming beses po nag-reach out. Nakipag-usap din daw si Carlos sa pamilya niya pero wala ring nangyari,” sabi pa ni Chloe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending