LPA magpapaulan sa ilang lugar, bagyo sa labas ng bansa binabantayan
DALAWANG sama ng panahon ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Isa na riyan ang Low Pressure Area (LPA) sa may Luzon at ang bagyo na nasa labas ng bansa.
Ang LPA ay huling namataan sa layong 165 kilometers kanluran ng Coron, Palawan.
“Base sa ating data at analysis…mababa ang tiyansa nitong maging bagyo. Itong LPA ay nakapaloob sa ITCZ or Inter-Tropical Convergence Zone [na] naaapektuhan ang malaking bahagi ng bansa,” sey ni Weather Specialist Aurelio Aldczar sa isang press briefing ngayong umaga, October 7.
Baka Bet Mo: Gerald binigyan ng ‘medalya’ matapos mag-rescue sa bagyong Carina
Dahil diyan, asahan ang scattered rains sa Bicol Region, MIMAROPA, Quezon, Rizal, Laguna, at Batangas.
Mararanasan naman ang isolated rainshowers sa Metro Manila.
Gayundin ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon pero dulot ng Easterlies.
Samantala, ang binabantayang bagyo sa labas ng bansa ay kasalukuyang nasa 2,540 kilometers silangan ng Extreme Northern Luzon.
Ang taglay na lakas na hangin nito ay nasa 55 kilometers per hour at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometers per hour pa-hilaga.
Ngunit ayon kay Aldczar, “Malayo itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility dahil inaasahan po natin ang pagkilos nito ay pahilaga.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.