Heart sa pagiging global fashion icon: Never ko naging goal maging top!
WALANG “shortcut” na dinaanan ang Kapuso star na si Heart Evangelista para marating ang estadong kinalalagyan niya ngayon.
Pinaghirapan at talagang kinarir daw niya kung nasaan man siya ngayon lalo na ang kanyang status bilang global fashion icon kung saan nae-enjoy niya nang bonggang-bongga ang pagrampa sa iba’t ibang bansa.
“It comes with time, effort, and just being happy about it, not trying to get ahead,” ang pahayag ni Heart sa isang video na ipinost niya sa Instagram.
Baka Bet Mo: Mimiyuuuh dinala ang pamilya sa Palawan: Natupad ko po ang isa sa mga goals ko this year!
Kuha ang naturang IG reel habang nasa Paris Fashion Week ang wifey ni Senate President Chiz Escudero. At dito nga niya ni-reveal kung paano niya narating kung nasaan man siya ngayon.
View this post on Instagram
“My process is sobrang tagal, 20, 16, 15…tagal talaga kasi I love it so much, I really, really worked hard and I never really want anything in return,” sey ni Heart habang nakaupo sa kanyang makeup chair.
Ipinagdiinan ni Heart na walang madaling paraan para maka-penetrate sa international fashion world.
“I’m doing it because I love it so hindi talaga siya shortcut. Hindi siya puwedeng dahil gusto mo siya, gagawin mo yung whatever to get there.
“It will come, ‘di ba? It will come but it comes with time…time, effort, and just being happy about it, not trying to get ahead. Dapat happy lang,” sey pa ng aktres.
Pagpapatuloy pa ng Kapuso superstar, “Hindi mo naman kailangan maging top. Ako, never ko naging goal maging top.
“Siyempre, it feels good when you’re acknowledged but then that’s never the goal because once you’re on top, it’s hard to keep that spot,” mariing sabi pa ng aktres
View this post on Instagram
Dagdag pa niyang mensahe, “I’d rather be just right here for a long time.”
Samantala, patuloy ang pang-iintriga ng mga netizens kay Heart at kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil sa pagsabak nila sa mga fashion events sa Europe.
Feeling kasi ng mga followers ni Heart, ginagaya at naiinggit lang daw si Pia sa Kapuso star kaya nagpapaka-visible na rin ito sa mga international fashion events.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.