Jennylyn pinuri ni Carlene Aguilar bilang stepmom ng anak nila ni Dennis
ISANG walang hanggang pasasalamat ang naging mensahe ng aktres at dating beauty queen na si Carlene Aguilar para sa Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.
Super thankful si Carlene kay Jennylyn dahil sa unconditional love na ibinibigay nito sa anak nila ni Dennis Trillo na si Calix.
Nag-post kasi si Jen sa kanyang Instagram page ng mga litrato ni Calix na kuha nang lumaban ang binatilyo sa isang fencing competition.
Kalakip nito ang birthday greeting niya para sa kanyang stepson na nagdiwang nga ng 17th birthday kamakailan.
“Happy birthday, Kuya Calix! May all your wishes come true today and every day. We love you!” ang caption ng Kapuso actress sa kanyang IG post.
Sa comment section ay nag-iwan ng message si Carlene at nagpasalamat kay Jennylyn dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito kay Calix na parang tunay na ina.
“Thank you Mommy Jen for loving Calix as your own,” ang sabi ng dating partner ni Dennis.
View this post on Instagram
Tulad ni Dennis, may sarili na ring pamilya si Carlene pero maayos ang co-parenting agreement nila sa kanilang anak.
Samantala, binati rin ni Dennis si Calix sa kaarawan nito sa pamamagitan ng Instagram kung saan isang video naman ang ibinahagi niya na naglalaman ng pagsabak ng anak sa fencing competition.
“Daisy Siete! Congrats to my panganay, so proud of you, mahal na mahal ka namin! We’re always here for you! Happy Birthday,” ang message ni Dennis kay Calix.
Samantala, balitang pipirma na raw uli ng exclusive contract si Jennylyn sa GMA matapos lumabas ang balitang lilipat na raw ang aktres sa ABS-CBN.
Sa huling pakikipagchikahan namin kay Jen nang i-launch siya bilang pinakabagong brand ambassador ng Beautéderm ay nilinaw niya na wala siyang planong mag-ober da bakod sa Kapamilya Network.
Ipinagdiinan ni Jen na kahit hindi pa siya nakakapag-renew ng kontrata sa GMA 7 at freelancer siya ngayon, nananatili pa rin daw siyang Kapuso.
“Palagi naman akong Kapuso. Ang daming naghihintay ng sagot…ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.
“Meron pa ring nego-nego. Pero mabilis na lang po yan. We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” ang pahayag ng wifey ni Dennis.
Dagdag pang pahayag ni Jennylyn, “Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso. Wala pong offer sa ibang network.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.