Aktor niloloko ang non-showbiz GF, karelasyon ang ka-loveteam

Aktor niloloko ang non-showbiz GF, may lihim na relasyon sa ka-loveteam

Reggee Bonoan - September 24, 2024 - 09:00 AM

Aktor niloloko ang non-showbiz GF, may lihim na relasyon sa ka-loveteam

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino ang magka-loveteam na itetch?

TRULILI kaya ang tsika sa amin na nagkakamabutihan na ang aktres at ang ka-loveteam nitong aktor na panay ang tanggi sa tunay nilang relasyon?

May non-showbiz girlfriend kasi ang aktor na ka-loveteam ni aktres kaya panay ang tanggi nila at para hindi ma-justify kung bakit naman naghiwalay ang dalaga at boyfriend nito.

Iniisip kasi ng lahat na na-fall out of love si girl sa dyowa niya kaya sila naghiwalay dahil nga bihira silang magkasama.

Kaya si girl sa tuwing walang trabaho ay puro kaibigan ang kasamang gumigimik at pinasusunod niya ang ka-loveteam na ang drama ay napadaan lang dahil may kakilala sa lugar.

Baka Bet Mo: TV host-comedienne niloko ng dyowang may bisyo, nilustay ang kita sa negosyo

Palibhasa tiwala ang non-showbiz girlfriend ni boy na puro trabaho ang ginagawa nito na totoo naman talaga kaya siguro hindi nito pinagdududahan si girl na ka-loveteam ng aktor.

Anyway, sabi ng aming source, “Wait ka lang ng ilang buwan magkakaaminan din ‘yan.”

Bigla tuloy naming naalala noong makita namin ang magka-loveteam sa isang sosyal na mall at magka-holding hands pa pero nakabuntot naman ang personal assistant ni girl.

Napalingon kami pero sabi ng kasama namin ay sadyang sweet lang ang dalawa kasi nga magka-loveteam.

Hmmmm, hindi na oras ng trabaho ‘yun, ah, namamasyal na nga lang, eh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending