TV host-comedienne niloko ng dyowang may bisyo, nilustay ang kita sa negosyo | Bandera

TV host-comedienne niloko ng dyowang may bisyo, nilustay ang kita sa negosyo

Reggee Bonoan - April 21, 2022 - 01:36 PM

Guess, guess who!

NAKAILANG hiwalay na sa partner niya in life ang TV host-comedienne dahil madali raw siyang ma-in love ayon sa tsika ng mga taong malapit sa kanya na kahit ilang beses siyang payuhan ay dedma lang.

Matatandaang naging kontrobersyal ang last relationship ng komedyana dahil sa isyu ng pera.

May negosyo kasi ang TV host-comedienne at sa sobrang pagmamahal niya ay isinosyo niya ang dyowa kahit wala naman itong inilabas na datung.

At dahil tiwala naman kay dyowa ang TV host kaya ipinagkatiwala na nito ang passbook sa kanya kaya malayang nakakapaglabas ng pera para sa need ng negosyo.

Hanggang maisipan ni TV host-comedienne na i-check ang balanse nila sa bangko at laking gulat na halos masaid na pala ito. Anong nangyari at saan napunta ang naipon nila?

Kaagad tinanong ni TV host-comedienne ang dyowa at inaming naglalabas siya ng pera para sa negosyo nila na ikinatataka ng una dahil kumikita naman at ang sobra ay hinuhulog sa bangko.

At dito nalamang may bisyo ang dyowa na hindi naman binanggit na ng aming source kung ano.

“Basta halos masaid na at hindi na niya kayang i-sustain ang negosyo dahil hindi na makabili ng stocks.  Kaya pinaubos na lang ang mga natirang paninda,” say ng aming source.

Nakipaghiwalay na ang TV host-comedienne sa dyowa at umuwi muna sa kanilang probinsya.  Nagbakasyon muna na sakto naman dahil pandemya.

At dahil broken hearted si TV host kaya vulnerable siya at may nakilala at naging karelasyon niya na feeling niya ay ito na ang kanyang forever dahil negosyante at may kaya sa buhay at higit sa lahat, binata.

Umabot naman ng ilang buwan ang pagsasama ng dalawa pero mukhang inaalat talaga pagdating sa pag-ibig si TV host-comedienne dahil nauwi ulit ito sa hiwalayan.

Sa kasalukuyan ay nagtayo ng munting pagkakakitaan ang komedyana sa probinsyang kinaroroonan niya ngayon at base sa tsika sa amin ng kaibigan niya ay unti-unti na siyang nakakabangon dahil malakas ang kita nito sa pagdi-distribute ng mga gulay at kape.

https://bandera.inquirer.net/309139/melai-cantiveros-tinawag-na-magnanakaw-ng-isang-netizen-pati-pamilya-dinamay-ipapahanap-kita

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299843/4-na-negosyo-ni-robi-nagsara-dahil-sa-pandemya-pero-naka-survive-rin-hindi-naman-kasi-ako-maluho
https://bandera.inquirer.net/309619/negosyo-nina-toni-alex-apektado-dahil-sa-politika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending