2 kapatid ni Carlos binanatan sa zombie challenge, PWD binastos?

2 kapatid ni Carlos binanatan sa ‘zombie challenge’, mga PWD binastos daw

Ervin Santiago - September 24, 2024 - 12:25 AM

2 kapatid ni Carlos binanatan sa 'zombie challenge', mga PWD binastos daw

NAKATIKIM ng masasakit at maaanghang na salita ang mga kapatid ni Carlos Yulo na sina Elaiza at Karl Yulo dahil sa umano’y pambabastos sa Persons With Disabilities (PWD).

Binabanatan ngayon ang mga anak nina Angelica at Mark Andrew Yulo matapos mapanood ang isang TikTok video kung saan kumasa ang magkapatid sa usung-uso ngayong “zombie trend” sa TikTok.

Ang nag-upload sa naturang video ay ang kaibigan daw nina Karl na si Josimhae na ngayon ay hindi na napapanood sa kanyang TikTok account.

Baka Bet Mo: Jose Manalo ipinagtanggol ni Zombie sa ‘racist joke’: ‘Good vibes lang kami…walang mali!’

Komento mga netizens, tila hindi naman daw galawang zombie ang napanood nila sa version ng mga kapatid ni Caloy. Parang feeling nila, mga PWD o mga taong may autism ang kanilang ginaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Poquiz Yulo (@angelicayulo)


Kaya naman may mga nagsabi na dapat daw humingi ng sorry ang tatlong nasa video sa mga kababayan nating mga PWD dahil sa pinaggagawa nila sa video. Ilang netizens din ang napamura dahil dito.

May mga nagtanggol at dumepensa rin naman sa mga kapatid ni Carlos at nagsabing wala silang nakikitang offensive sa “zombie challenge” video ng mga ito.

Masyado lang daw mga balat-sibuyas at pikunin ang mga bumabanat kina Karl. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“These are dysfunctional kids from a dysfunctional family.”

“Giving the benefit of the doubt baka zombie-zombie lang, pero yung isa parang iba talaga.”

“Mga kinulang na nga sa height, kinulang rin sa utak.”

“They more like they’re imitating zombies.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Poquiz Yulo (@angelicayulo)


“Zombie po hindi PWDs. ‘Wag niyo sila husgahan agad. Aware naman siguro sila diba?”

“MGA POT*NG I*A. if someone with this syndrome sees this. Ako nasasaktan.”

“Anong syndrome? Obvious namang zombie yon.  Naman. Defend your idol the right way.”

“Kaloka tong Yulo Family, except Caloy.  Deserve niyong iblock at idisown ni Caloy.”

“Coming from someone na may PwD loved ones. P*TANG I*A!”

“Pamilya talaga ni Caloy ang may mga problema ano.”

“Huwag mong lahatin, bago nyo husgahan ang tao Tignan nyo muna ang sarili nyo! Buhay nila yan at wala akong kinakampihan ha. Masyadon brutal na ang pag iisip mo.”

“Hindi nga. Ang may problem ata yong mga basher lahat ng kilos ng pamilya ni caloy may mali o hindi tama. Ang tingin ninyo mali lahzt ng kilos nila. Sinong may award?  May mga anak na gold medalist.”

“Kahit pa sabihing katuwaan lang yan,di po yan katawa tawa. Insulto po yan sa kapwa ko PWD. Hays! Kahit hearing ang disability ko,yung makakita ako ng ganyan ndi po nakakatawa. Hopefully, maturuan po sila kung paano po irespeto ang may kapansanan.”

“PWD agad? Hindi pwdeng Zombie muna? Hahaha.”

“Daming gumagawa niyan, sa kanila lang kayo nagalit. The nerve.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Zombie kase sa mga movie ginagawa nila.”

“Una kong naisip Train to Busan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending