Dennis sa lahat ng nagagalit sa kanya: Mas lalo pa kayong maiinis sa ‘kin
GALIT na galit at halos ipako na sa krus ng mga manonood ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo dahil sa kasuklam-suklam na pagganap niya sa “Pulang Araw.”
Gigil much ang viewers kay Dennis sa karakter niya sa serye bilang si Col. Yuta Saitoh sa hit family drama ng GMA 7 na talagang tinututukan ng mga Pinoy all over the universe.
First time gumanap ng husband ni Jennylyn Mercado ng major-major kontrabida sa isang serye na siyang namumuno sa Japanese forces na sasakop sa Pilipinas.
Pero sino nga ba ang peg ni Dennis sa pagganap niyang kontrabida sa “Pulang Araw” na kinaiinisan ng mga manonood at halos isumpa na ng mga netizens.
“Sa totoo lang, wala talaga akong nag-iisang role model. Ang importante lang doon ay ‘yung nahanap ko ‘yung boses ni Yuta.
Baka Bet Mo: Alden humingi ng tulong sa lola bilang paghahanda sa ‘Pulang Araw’
“Napakaimportante niyan para sa isang karakter na bukod sa look, e, makahanap ka rin ng boses na babagay doon sa look and doon sa karakter ko lalo na nagsasalita ng Hapon ‘yung character ko ngayon,” ang pahayag ni Dennis sa panayam ng GMA Network.
“Mas naghanap ako ng mga peg na boses at kung paano talaga makakasalita because ‘yun ‘yung mga Japanese na lines.
“Kadalasan, marami akong pinanonood ng mga Japanese na movies nilalagyan ko lang ng mga subtitles pero pinapalitan ko ‘yung audio para makuha ko ‘yung tamang intonation o pag-pronounce nila,” aniya pa.
View this post on Instagram
At sa lahat naman ng manonood na galit na galit sa karakter ni Dennis, “Masasabi ko sa inyong lahat, ‘Thank you sa pananood at nararamdaman ko na effective ‘yung ginagawa ko dahil kiniinisan ninyo ako.
“Pero ‘yun talaga ang gusto kong maramdaman ninyo. Kaya abangan n’yo pa ‘yung mga susunod na mga mangyayari, mas lalo pa kayong maiinis sa akin and sana kahit nainis kayo, huwag kayong bibitiw sa pananood,” lahad ng aktor.
Samantala, tuloy ang laban para sa pag-ibig, pamilya, at bansa sa “Pulang Araw”. Sa pagdating ni Col. Yuta Saitoh (Dennis) at kanyang mga tauhan sa Pilipinas, unti-unti nang nagugulo ang buhay at pagkakaibigan nina Adelina (Barbie Forteza), Teresita (Sanya Lopez), Hiroshi (David Licauco), at Eduardo (Alden Richards).
Pero paano kung may magpatibok sa puso ng kalaban? Magbago kaya ang hangarin ng sundalong Hapon? Ano ang mangyayari kay Teresita sa oras na mahumaling sa kanya si Col. Yuta Saitoh?
Huwag palampasin ang most important Philippine TV series ng 2024 at tutukan ang “Pulang Araw,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 8 p.m. sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.