Dyosa Pockoh mahilig magpalafang sa lalaki, di marunong sa pera

Dyosa Pockoh mahilig magpalafang sa lalaki, hindi marunong sa pera

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 08:00 AM

Dyosa Pockoh mahilig magpalafang sa lalaki, hindi marunong sa pera

Dyosa Pockoh at Aiko Melendez

KUNG may isang ugali na gustong baguhin ng komedyanteng si Dyosa Pockoh sa sarili, yan ay ang pagiging super mapagbigay sa mga lalaki.

Aminado si Dyosa, na sumikat din bilang co-host ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa kanilang YouTube channel na “Showbiz Update”, na nakasanayan na niya ang mag-share ng blessings sa mga kalalakihan.

Nakachikahan ng award-winning actress-politician na si Aiko Melendez ang komedyante at vlogger para sa kanyang YouTube channel at dito nga niya nabanggit ang ugali na nais niyang baguhin.

Baka Bet Mo: ‘Start-Up PH’ nina Bea at Alden pinagtalunan sa vlog ni Ogie Diaz: ‘Alam mo, ‘you’re so sama! So bad!’

“Hindi ako marunong maghawak ng pera talaga. Kapag may pera ako, bukod sa sa itinutulong, mahilig din akong magpakain bukod sa mga boys,” rebelasyon ni Dyosa Pockoh.

Hirit pa niya, “Feeling ko nga, ang Lord siguro nalilito na sa akin. Kasi (baka sinasabi niya) ‘itong baklang ‘to, bigay nang bigay sa lalaki ng pera. Pero mabait naman siya, tulong din naman siya nang tulong.'”

Ngunit mabilis din naman niyang nilinaw na hindi naman siya tumotodo ng pagbibigay ng pera sa mga boys.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Francis Valle Suayan (@dyosapockoh12_official)


“Nagpapakain lang ako. Kakain lang. Pero hindi ako mahilig mag-inom,” aniya.

Pero knows n’yo ba na bago pa sumabak sa mundo ng showbiz si Dyosa ay graduate na siya ng Fine Arts major in graphic design sa University of the East. O, bongga, di ba? Titulado rin pala ang lola n’yo!

Baka Bet Mo: Dyosa Pockoh ‘pinangaralan’ si Celeste Cortesi: Next time kahit di tawagin sa Top 16, pumunta pa rin sa harap!

Kaya kapag nawalan na siya ng raket sa showbiz, siguradong may bonggang fall back pa rin siya sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumikat nang bongga si Dyosa sa mga nakakatawang short vlog niya na karamihan ay mga kuwentong sari-sari store kung saan nakikipagbaliwan at nakikipagbardagulan siya sa mga customer.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending