Young actress ang tindi ng libido, mapagbigay sa mga lalaki | Bandera

Young actress ang tindi ng libido, mapagbigay sa mga lalaki

Cristy Fermin - September 12, 2016 - 12:15 AM

 

BLIND ITEM WOMAN 0226

PALAGING pinagkukuwentuhan nang pabulong sa isang malaking network ang isa nilang kontratadong female personality na may kainitan ang libido.

Hindi nila alam kung kanino nagmana ang female personality, sa kanyang ama ba o sa kanyang ina, o baka naman siya lang ang ganu’n sa kanilang pamilya.

Bagets na bagets pa nang pumasok sa network ang female perso-nality, du’n na siya nagdalaga, kaya nasubaybayan ng maraming taga-production ang marami niyang kakuwanan sa buhay.

Kuwento ng isang source mula sa istasyon mismong pinaglilingkuran ng young female star, “Bata pa lang siya, e, alam mo nang may kainitan ang katawan niya. Marami na agad nakahalata nu’n, malapit talaga siya sa boys.

“Hanggang sa nakipagrelasyon na nga siya sa co-actor niya, hanggang sa lantad na lantad na ang mga actions niya, mainit ang libido ng girl!

“Halatado naman ‘yun, mas hot pa siya sa boyfriend niya na cool na cool lang at siguro, kapag silang dalawa na lang ang magkasama, e, saka nagla-labas ng emotions niya ang guy!

“Pero itong girl, very generous siya, talagang i-pinakikita niya sa buong mundo kung gaano niya kamahal ang BF niya. Minsan nga, e, ang mga nakapaligid na ang nahihiya sa mga pinaggagagawa niya!

“Wala siyang pakialam, talagang give na give siya sa karelasyon niya. Paano pa kaya kapag silang dalawa na lang ang magkasama?” tanong-opinyon ng aming source.

Wala kunong karelasyon ngayon ang young actress pagkatapos nilang mag-break ng nakarelasyon niyang tisoy na aktor. Pero ayon sa mga miron ay meron siyang bagong kinukuyakoy ngayon, isang sikat na aktor, mukhang nabihag din ito ng init ng libido ng young actress.

Panghuling sultada ng aming impormante, “Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kamag-anak ng name ng babaeng ito ang bibingka, kalamay, ginatan at marami pang iba!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending