Jessy buking kaibigan ni Luis: May sikreto palang karumal-dumal

Jessy buking kaibigan ni Luis after ng kasal: May sikretong karumal-dumal

Ervin Santiago - September 11, 2024 - 07:32 AM

Jessy inaway ng friend ni Luis after ng kasal: May sikretong karumal-dumal

Jessy Mendiola, Luis Manzano at Isabella Rose

GRABE pala ang nangyari sa mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano ilang araw pagkatapos ng kanilang kasal.

May nakakalokang rebelasyon si Jessy tungkol sa muntikan na nilang paghihiwalay ni Luis nang dahil sa ilang taong malalapit sa TV host-actor.

Sa katunayan, nagsabi na raw siya sa nanay ni Luis na si Vilma Santos sa plano niyang tapusin na ang pagsasama nila ng asawa dahil feeling niya, wala nang patutunguhan ang relasyon nila.

Baka Bet Mo: Jessy mas ‘inlababo’ ngayon kay Luis, malapit na raw magka-baby no. 2?

“‘Yun ‘yung time na may mga tao sa paligid niya na talagang hindi okay. Nasama ako sa issue,” ang pag-amin ni Jessy sa kanyang “Truth or Dare” vlog kasama si Luis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Pagpapatuloy ng aktres at celebrity mom, “Ikinasal kami tapos the next day, inaway-away ako nu’ng taong ‘yun. Kaya pala galit na galit siya sa akin kasi may itinatago siyang sikretong karumal-dumal, na malala.

“Du’n ko naamoy na parang, ‘May something itong taong ito. Bakit galit na galit siya na kinasal kami?’” aniya pa.

Nagsumbong si Jessy kay Luis at binigyan ng warning ang asawa laban sa mga taong yun, pero, “Ayaw niya talagang patibag. Inaaway niya talaga ako. As in talagang away.

Baka Bet Mo: Luis nanghihingi agad ng bagong baby kay Jessy: Gusto ko nga sunud-sunod na

“Kulang na lang kampihan niya ‘yung mga taong ‘yun, nu’ng sinabi ko sa kanya, nagagalit pa siya sa akin tapos hindi niya ako pinapansin.

“Sinasabi niya sa akin, ‘Mali ka. Matagal ko na silang kilala. Halos kababata ko sila, part of the family’, (sabi ko), ‘E, ako, hindi ba part of the family?”

Pagkatapos daw ng kanilang pagtatalo, “Nagpaalam na talaga ako kay Momski nu’n (Ate Vi). Sabi ko, ‘Momski, hindi ko na talaga po kaya. Mahal ko po kayo pero hindi na po ako pinapakinggan ng asawa ko sa totoo.’”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)


Ngunit mas nanaig ang pagmamahal at tiwala ni Luis kay Jessy hanggang sa malamang totoo ang lahat ng sinabi sa kanya ni Jessy, “It wasn’t easy. Gradual na nangyari na nakakalas siya sa mga taong ‘yun.”

“‘Yung feeling parang gusto mo na lang talaga siyang iwan pero oo nga pala, kasal nga pala tayo. Hindi tayo pwedeng basta-basta maghiwalay,” sey pa ni Jessy.

Baling niya kay Luis na nakikinig lang sa kanya, “I guess ginawa ‘yon ni Lord para mas mapalakas ‘yung relationship natin sa isa’t isa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang nabanggit si Jessy kung sinu-sino ang tinutukoy niya sa kuwento, pero matatandaang na-involve si Luis sa isang investment scam case noong 2023 kung saan sangkot umano ang ilang kaibigan ng aktor na itinuring na niyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending