Jessy, Luis malapit na raw magka-baby no. 2?

Jessy mas ‘inlababo’ ngayon kay Luis, malapit na raw magka-baby no. 2?

Pauline del Rosario |April 06,2024
facebook
share this

Jessy mas ‘inlababo’ ngayon kay Luis, malapit na raw magka-baby no. 2?

Pauline del Rosario - April 06, 2024 - 01:20 PM

Jessy mas ‘inlababo’ ngayon kay Luis, malapit na raw magka-baby no. 2?

PHOTO: Instagram/@jessymendiola

MUKHANG game na game na ngang sundan ng celebrity couple na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang panganay nilang anak na si baby Rosie.

Kamakailan lang, si Jessy ang naging guest ni Boy Abunda sa programang “Fast Talk” at dito nagbigay ng update ang aktres patungkol sa kanyang pamilya.

Naikuwento pa nga ng celebrity mom na mas nai-inlove siya ngayon sa kanyang mister dahil nakikita niya ang pagiging responsable nito hindi lang bilang asawa, kundi bilang isang ama.

“Bago dumating si Peanut, siyempre parang two years na kaming kasal, so parang nakita ko na siya as husband. Pero ito talaga, itong season niya ngayon as a father, parang mas lalo akong nai-inlove sa kanya,” sey ni Jessy.

Baka Bet Mo: Jessy ayaw nang makipaghalikan sa serye at pelikula, pinagbawalan ba ni Luis?

Paliwanag niya, “Kasi parang ito ‘yung una mo siyang makikita na hindi kayong dalawa lang ang iniisip niya eh. Merong isa pa siyang iniisip na sobrang importanteng bagay sa kanya.”

“And para sakin, grabe lang din talaga ‘yung happiness niya, grabe ‘yung growth niya. Makikita mo na kuntento siya,” ani pa niya.

Bigla naman siyang tinanong ni Tito Boy kung handa na ba sila ni Luis na magka-second baby.

Hindi agad nakasagot si Jessy, pero inamin niya na mukhang malapit na raw silang magka-baby ulit.

“I think…malapit na,” sagot niya sa TV host.

Patuloy niya, “Gusto ko talaga ng maraming anak, Tito Boy. Kung kaya ko lang talaga na sabay-sabay.”

Nabanggit din ng Kapamilya actress na gayundin daw ang nais at hinihiling sa kanya ng kanyang mister.

“Nanghihingi na nga ng pangalawa ngayon,” sambit ng first time mom na tinutukoy si Luis.

“Pag nakikita niyang naglalakad si Peanut, palagi niyang sinasabi, ‘You want to be an ate, anak?’ Laging ganun na. So parang sasabihin niya sakin, ‘Oh ano love, pwede na ba?’ So ako naman, ‘oo naman’,” chika pa niya.

Ani pa ni Jessy, “Siyempre kung ibigay ni Lord ‘diba. Bakit naman hindi.”

Kung matatandaan, ilang beses nang nababanggit ng couple ang pagnanais na madagdagan ang kanilang anak.

Nauna nang ibinunyag ni Luis na pinag-uusapan nila ito ng kanyang misis upang mapaghandaan na rin.

Ngunit nilinaw niya na si Jessy pa rin ang masusunod pagdating sa pagkakaroon ng isa pang anak.

“Hindi naman kasi ako ‘yung magdadala ng nine months eh. Kumbaga siya talaga ang magdadala, so whenever she’s ready then mas mage-effort kami,” Saad ng TV host-actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung maaalala, noong December 2022 nang ipinanganak ng aktres ang panganay nila ni Luis, ngunit January 7 lang nila ito ibinandera sa publiko at pinangalanang si Isabella Rose Tawile Manzano.

Matatandaang taong 2021 unang ikinasal ang dalawa at noong pebrero lamang nang ganapin ang second wedding nila sa Palawan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending