Hirit ng Aspin ni Heart na si Panda: Mas may breeding pa ako sa inyo!
ALIW na aliw ang mga pet lovers at animal welfare advocate sa paandar na hirit ni Heart Evangelista tungkol sa sikat na sikat na ngayong Aspin na si Yoda.
Mainit pa ring pinagpipiyestahan ngayon sa social media ang naranasang diskriminasyon ng fur mom ni Yoda na si Lara Antonio sa Balay Lako restaurant sa Tagaytay.
At isa nga sa mga celebrities na unang nag-react sa hindi pagtanggap kay Yoda sa naturang resto ay si Heart, ang may-ari ng sosyalerang Aspin na si Panda.
Baka Bet Mo: Netizens gusto nang magpaampon kay Heart dahil kay Panda: ‘Payag na rin akong maging pet mo!’
Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ng Kapuso actress at international fashion icon ang photo ni Panda na may caption na, “Aspin Society Elite President Panda Ongpauco Escudero.
View this post on Instagram
Tinag pa ng wifey ni Senate President Chiz Escudero ang sariling Instagram account ni Panda na siya rin ang nagha-handle.
“Sending love to ‘Yoda,'” ang pahabol pang mensahe ng aktres sa Aspin ni Lara Antonio.
Makikita rin sa IG account ni Panda ang kanyang litrato na napapalibutan ng mga unan with matching LV (Louis Vuitton) blanket.
Baka Bet Mo: Heart naloka nang lumafang ng ‘pupu’ ng pusa si Panda: ‘Yuck! Girl ha, hindi nakakasosyal!’
Ang mataray na nakasulat sa caption ay, “Anong walang breed???! Mas may breeding pa ako sa Inyo ha. Loka mga to. Hello sa mga kasali sa Aspin Society Elite.”
Sa comment section, nagkomento si Heart ng, “Invite mo na anak si Yoda for high tea!”
Kaliwa’t kanang batikos ang natatanggap ngayon ng Balay Dako kahit pa nag-issue na sila ng public apology tungkol sa hindi magandang pakikitungo nila sa alagang aspin ng isang customer.
View this post on Instagram
Nag-viral at mainit pa ring pinag-uusapan ang social media post ng customer ng Balay Dako na si Lara dahil sa umano’y naranasang diskriminasyon ng alaga niyang aspin.
Hindi kasi ito pinayagang makapasok dahil oversize umano ang aso pero nang hanapan ni Lara ng pet policy hinggil dito ay walang naipakita ang staff sa kanya.
Sa Facebook post ng Balay Dako kahapon, September 9, nag-sorry ang resto at sinabing “misunderstanding” lamang ang nangyari hinggil sa kanilang pet policy.
“As a company that loves animals, we understand the importance of accommodating pets. However, we must also consider factors such as space and the safety of all our guests.
“We are currently reviewing our policy to ensure it is clear, fair, and balances the needs of both pet owners and non-pet owners.
“Additionally, we will take steps to ensure that our staff are better trained and guided to understand and implement our policies effectively,” sabi pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.