Heart Evangelista absent sa New York Fashion Week: Bawal haggard
PASS muna ang Kapuso actress-socialite na si Heart Evangelista sa pagdalo sa New York Fashion Week ngayong taon.
Ayon sa kanyang Instagram story, absentvmuna siya sa naturang event dahil hindi na raw kaya ng schedule niya ang trabaho sa Asia, Milan, at Paris Fashion Week.
Baka Bet Mo: Heart Evangelista natuto nang mangagat: Kapag hindi ka palaban, tatapakan ka!
View this post on Instagram
“Those asking I won’t be attending New York fashion week,” saad ni Heart.
“Aside from work in Asia, Milan, and Paris fashion week it wouldn’t be smart for me to be all over the place,” pagpapatuloy pa niya.
Chika ni Heart, baka sa susunod na season ng New York Fashion Week ay makadalo na siya pero depende pa rin ito marahil sa kanyang schedule.
Kamakailan lang ay present si Heart sa nagdaang Paris Fashion Week.
Panigurado kasing marami pa rin siyang mga fashion week na pupuntahan dahil isa ito sa kannyang trabaho bukod sa pagiging artista at presidente ng Senate Spouses Foundation Inc.
“Time is precious and health is important. Bawal haggard,” aniya.
Base sa mga Instagram stories ni Heart ngayong araw ay nasa Tuguegarao siya para sa “Senate Assist” program kasama ang ilan pa sa mga miyembro ng Senate Spouses Foundation Inc.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.