Ilang fans ni Julie Anne di boto kay Rayver: Ina-attack pa rin ako

Ilang fans ni Julie Anne hindi boto kay Rayver: Ina-attack pa rin ako

Ervin Santiago - September 10, 2024 - 12:05 AM

Ilang fans ni Julie Anne hindi boto kay Rayver: Ina-attack pa rin ako

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

AWARE ang Kapuso actor-TV host na si Rayver Cruz na may mga fans na hindi boto sa kanya bilang boyfriend ni Julie Anne San Jose.

Marami raw nababasa si Rayver sa social media na nangnenega at nanlalait sa kanya at nagsasabing hindi raw siya karapat-dapat na maging dyowa ng isang babaeng katulad ni Julie Anne.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Rayver naikuwento niya ang natatanggap na mga negatibong komento at masasakit na salita mula sa ilang supporters ni Julie Anne.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Mikee Quintos hindi boto noon kay Paul Salas: Basta ipinakita ko lang sa kanila kung sino ako

“May mga makikita pa rin ako like sa social media na talagang ina-attack pa rin ako or bina-bash, pero hindi ko na lang po pinapansin,” pahayag ni Rayver.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“Okay lang din naman kasi wala, Tito Boy, hindi na natin mako-control ‘yun eh,” dagdag pa ng binata.

Nagpapasalamat naman si Rayver sa lahat ng fans ng Kapuso actress-singer na sumusuporta sa kanilang relasyon at naniniwalang wagas at tapat ang pagmamahal niya kay Julie.

“‘Yung mga core group ng JAmantes (pangalan ng fan group ni Julie), sila mismo ‘yung nagme-message sa ‘kin na natutuwa ako.

Baka Bet Mo: Annabelle Rama bet na bet ang ‘special someone’ ni Ruffa: Magkakampi talaga sila ngayon

“Thank you kasi sila ‘yung nagme-message na parang nirere-assure nila ako na, ‘Ah, hindi ‘yan part ng parang core group namin kasi kami, happy kami. Mahal namin si Julie. Kung sino ‘yung mahal ni Julie, mahal namin,'” chika pa ni Rayver.

Samantala, nai-share rin ng aktor kung paano siya nagsimulang ma-fall kay Julie Anne na dati niyang best friend. Basta dumating na lang daw yung araw na bigla niyang naramdaman na mahal na niya ang matalik na kaibigan.

“Very sweet po kasi talaga si Julie. Naramdaman ko lang ‘yun na, siyempre noong sinabi ko na…’Parang nagkaka-crush ako sa best friend ko,'” pag-amin ni Rayver.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“Noong sinabi ko ‘yon, parang nagulat din siya…eh siya ‘yung best friend ko eh,” natawang pahayag ng binata.

Patuloy ni Rayver, “Hindi pa siya masyadong nakasagot pero parang naramdaman ko sa paghinga niya, sa phone na parang kinilig din siya.”

Unang nagkasama sa trabaho sina Rayver at Julie sa Kapuso variety show na “Studio 7,” hanggang sa maging host silang dalawa ng “The Clash.” Mula noon nagkasunod-sunod na ang kanilang projects together.

In fact, muli silang magkakasama bilang host para sa bagong season ng “The Clash.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang hiwalay na panayam, nabanggit din ni Rayver na napag-uusapan na rin nila ngayon ni Julie ang kasal at ang pagbuo ng sariling pamilya – kung kailan, yan ang ating abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending