Maris Racal sumabak sa gymnastics training, next Olympian yarn?

Maris Racal sumabak sa gymnastics training, future Olympian yarn?

Therese Arceo - September 06, 2024 - 05:10 PM

Maris Racal sumabak sa gymnastics training, future Olympian yarn?

SUPER committed talaga ang Kapamilya actress na si Maris Racal at game itong sumabak sa gymnastics training para sa isa sa kanyang proyekto.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi nito ang ilang pasilip sa kanyang mga naging preparasyon noong 2023 nang sumailalim ito sa mga training para sa pelikulang “Sunshine” kung saan ang karakter ay isang gymnast.

“Grabeng sakit sa katawan ang pinagdaanan namin last 2023,” saad ni Maris sa caption ng kanyang post.

Ang naturang pelikulang pagbibidahan ng dalaga ay ang entry ng direktor na si Antoinette Jadaone para sa 2024 Toronto International Film Festival (TIFF).

Baka Bet Mo: Maris Racal naiyak sa pasilip ng pinagbibidahang ‘Sunshine’, babandera sa TIFF 2024

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasama ni Maris sa pelikula sina Jennica Garcia, Elijah Canlas, Meryll Soriano, Xyriel Manabat, at Annika Co.

Iikot ang istorya ng pelikula sa karakter ng aktres na batang gymnast na miyembro ng national team at kalaunan ay natuklasang buntis pala.

Maramo sa mga netizens ang mag-comment sa post ni Maris lalo na ay katatapos lamang ng Paris Olympics.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ni Maris.

“So this is the real definition of a SUPERSTAR. So proud of you!” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ang galing mo Maris! Good luck sa movie mo na Sunshine!”

May ilan namang humirit na pwedeng-pwede na raw ipambato ng Pilipinas ang aktres sa susunod na Olympics.

“Ikaw na pambato sa 2028 maris,” sabi ng netizen.

Hirit naman ng isa, “Ikaw na susunod kay Carlos yulo.”

“Maris for 2028 Olympics,” kantyaw naman ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, naglabas naman ng pahayagsi Direk Tonet tungkol sa mensahe ng pelikula.

“These topics have always been taboo in the Philippines because of our deeply conservative roots, but when cases of teenage pregnancy and self-induced abortions rise every year, it is imperative that these stories be told,” saad ni Direk Tonet nang makapanayam siya ng media.

Nasa 43 pelikula ang nakasalang sa TIFF mula sa 41 countries kasama ang Pilipinas at ang “Sunshine” ang nag-iisang entry ng bansa sa naturang film fest.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending