Maris naiyak sa pasilip ng pinagbibidahang ‘Sunshine’, babandera sa TIFF 2024
HINDI napigilang maluha at maiyak ng Kapamilya actress na si Maris Racal matapos ilabas ang official trailer ng kanyang upcoming film.
Ito ang pelikulang “Sunshine” na isa sa film entries na babandera sa Toronto International Film Festival (TIFF) 2024 sa darating na Setyembre.
Sa Instagram, makikita ang “reaction video” ni Maris habang pinapanood for the first time ang nasabing pasilip.
Pag-amin ng young actress, “‘Di ako makapaniwala na natapos na namin ang pelikulang ‘Sunshine’ pagkatapos ng halos isang taon.”
“Saludo sa mga bumubuo ng pelikulang ito, lalo na kay Direk Tonet na ilang taon itong trinabaho. Hanga ako sa dedikasyon at puso ng mga kasama ko rito,” mensahe niya sa mga nakatrabaho niya.
Baka Bet Mo: Iñigo sa breakup ni Maris kay Rico: Happy for her for choosing herself
Wika pa niya sa post na makikitang naiiyak siya, “Para ito sa kababaihan at sa kanilang karapatang magpasya para sa sarili at sa kanilang katawan.”
Kasunod niyan, ibinunyag ni Maris na ang world premiere ng pelikula ay mapapanood sa TIFF 2024.
“Isang malaking karangalan ang magkaroon ng pagkakataong ibahagi ang pelikulang Pilipino sa buong mundo [white heart emoji],” ani pa ng aktres.
View this post on Instagram
Sa X (dating Twitter), makikitang may fan na nagtanong kay Maris kung siya ay magpupunta sa nasabing international film fest.
Sinagot naman ‘yan agad ng young actress at sinabing hindi siya makakadalo dahil may iba siyang naka-schedule sa araw na ‘yan.
alam ko alam ko sino mga nandun iiyak na ako pls may conflict lang talaga sa schedule. next time ko nalang siguro mameet asawa ko huhu love u cate blanchett. 🥲
ilalabarin parin natin ang mga filipino movies! marami pang chances!! (this is what i tell myself para mawala yung… https://t.co/rZZjPa0gl5
— Maris Racal (@MissMarisRacal) August 31, 2024
Base sa trailer, iikot ang istorya ng pelikula sa isang babaeng gymnast na may pinaghahandaang Olympic competition.
Pero sa kasamaang palad ay bigla siyang nabuntis bago ang nakatakdang tryouts para sa national team.
Dahil diyan, gagawa siya ng mga paraan upang malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.
Makakasama ni Maris sa “Sunshine” sina Annika Co, Jennica Garcia, Elijah Canlas, Meryll Soriano at Xyriel Manabat.
Samantala, aabot sa 43 projects ang itatampok sa TIFF 2024 mula sa 41 na bansa.
Kabailang na riyan ang Algeria, Australia, Belgium, Canada, Chile, China, Colombia, France, Germany, Indonesia, Nigeria, Panama, Philippines, Poland, Singapore, Spain, Sweden at United States (US).
Ang ika-49th edisyon ng international festival ay mula September 5 hanggang 15 sa Toronto, Canada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.