Coco, Julia naglilibot sa Spain para maghanap ng sariling bahay?

Coco, Julia naglilibot sa Spain para maghanap ng sariling bahay?

Julia Montes at Coco Martin

NASA Spain ngayon sina Coco Martin at Julia Montes base sa mga nakita naming larawan sa social media na may petsang Agosto 30 sa ganap na alas-8 ng umaga.

Ito na kaya ‘yung ibinalita ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5, 92.3 TRUE FM na bibili ng bahay si Coco sa Spain?

Base sa nakita naming post sa Facebook account na ArtistsVlogs ay may kuha ang CocoJuls na ang background ay bundok at may malaking gusali at nang binasa namin ang mga komento ay nasa Mt. Monseratt sa Barcelona, Spain ang dalawa.

Baka Bet Mo: Sofia Andres pak na pak bilang ‘bride’ sa isang fashion show sa Spain

May iba pang kuha sina Coco at Julia na ang nasa likod ay magarang sasakyan na gusto naming isiping ito ang service o ni-rent ng aktor para makapaglibot sila sa nasabing city.

Kung nasa Barcelona ang magkasintahan ay malamang ito ang lugar kung saan bibili ng bahay si Coco para sa pamilya niya.

Kaya hindi sila magiging magkapitbahay ni Bea Alonzo na ang apartment na nabili naman ay nasa Chamberi, Madrid, Spain.

Mahigit dalawang oras ang biyahe mula Barcelona to Madrid sa pamamagitan ng train. Kaya namin ito nasabi ay dahil ito ang mga komento ng CFM’ers na baka maging kapitbahay nina Coco at Julia si Bea.


Anyway, nakakatuwa ang mga komento ng netizens sa mga larawan ng CocoJuls dahil napaka-sweet daw nila at perfect couple. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon.

“We see also the awesome nature of Spain like we are there also God bless both Good luck sa travel & be safe.”

Baka Bet Mo: Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy

“Beautiful and sweet couple Coco and Julia both of you are my idol.”

“Beautiful couple, stay safe and be happy always.”

“Grabe ka Idol Coco ganda ninyo jan kasi Ang ganda rin ni julia God bless ninyong duha.”

“Nice looking (heart emoji).”

“Nice picture. Take care always and be safe.”

“Wow na wow!!! How sweetah!”

“God bless po and health ingat po mga idol.”

“Perfect couple continue.”

Read more...