MULA nang mangakong hindi na magsasalita tungkol sa kanyang anak na si Carlos Yulo ay bigla ring inulan ng blessings ang ina ng Pinoy champ na si Angelica Yulo.
Mukhang positibo nga ang naging resulta na pananahimik at pagtigil ni Angelica sa pagpo-post at pagpapa-interview tungkol sa alitan nilang mag-ina.
Bukod kasi sa biglang pagbongga ng kanyang food business, kabilang na ang pagbebenta niya ng longganisa, may kumukuha na rin sa kanya bilang endorser.
Tulad na nga lang ng pagpirma niya ng kontrata bilang endorser ng Smile 360 Dental Clinic na pagmamay-ari ng negosyante at content creator na si Hungry Boss.
Baka Bet Mo: Chiz Escudero inulan ng tukso sa Senate session, nag-iba raw ang aura dahil kay Heart: ‘We believe in second chances’
In fairness, gumagawa na rin ng sariling pangalan ang nanay ng 2-time Olympic champion na si Carlos Yulo at inaasahang madadagdagan pa ang endorsements nito sa mga susunod na buwan.
Siguradong masayang-masaya ngayon ang pamilya Yulo dahil sa magagandang bagay at exciting na eksena na nangyayari sa buhay nila pagkatapos ng kontrobersyang kinasangkutan ni Angelica at ng anak na si Carlos.
Sa contract signing nga ng ina ng Pinoy champ para sa kauna-unahan niyang endorsement ay nag-promote pa siya ng kanyang longganisa business.
“If you wanna live longer, eat YULOngganisa!” hirit ni Angelica.
Nitong mga nakaraang linggo ay walang tigil sa pagpo-post si Angelica sa Facebook ng kanyang mga produkto kalakip ang pagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa negosyo niya.
Sa isang post pa nga ng nanay ni Carlos ay nakapagbenta na siya ng 218 kilos ng longganiza na may price tag na P380 kada kilo. Ibig sabihin, kumita na siya ng P82,840 sa kanyang business sa sandaling panahon lamang.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa post ni Angelica.
“Tirhan mo ako Mommy. Nasa Chicago pa lang ako. September 4 pa uwi ko sa Pilipinas.”
“Sa sunod libo nq yan!! Aabot sa ibang bansa na yan!!”
“Sipag at tya lng tlga”
“Baka kylangan mo ng gwapo na taga deliver pwd ako.”
“Super sarap ang YULONGGANISA! Order na”
“Pwede ba mag reseller ate?”