Pagkandong ni Kyline kay Kobe walang malisya, knows daw ng parents

Pagkandong ni Kyline kay Kobe walang malisya, knows daw ng parents

Kobe Paras at Kyline Alcantara

SI KOBE Paras ang dapat magsalita kung ano na ba talaga ang real score sa pagitan nila ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Iyan ang paniwala ni Kyline kaya siguro patuloy ang pagtanggi niya na magsalita tungkol sa relasyon nila ni Kobe kahit pa nga obvious na obvious namang may something nang namamagitan sa kanila.

Sa guesting ni Kyline sa “Fast Talk with Boy Abunda” hindi pa rin diretsahang inamin ng Kapuso star na magdyowa na sila ng basketball player.

Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, naging matipid ang mga pahayag ni Kyline tungkol sa namamagitan sa kanila ni Kobe.


“Patawad po Tito Boy, pero hindi ko po kayo masasagot ngayon. But all I can say is, he makes me happy,” ani Kyline.

Dugtong pa niya, “Pero Tito Boy, ito na lang, halimbawa, boto ka ba sa kanya?”

“Botong-boto. One to 10, 10!” sagot agad ni Tito Boy.

“At kapag handa na kayo, halimbawa kung ano man, saan pumunta ito, promise me you’re going to come back and say yes or no. Promise?” tanong ng King of Talk.

“Promise!” sabi pa ng kontrobersyal na aktres.

Baka Bet Mo: Kyline, Kobe magdyowa na raw: Tapos na ang pila, may nagwagi na!

Tungkol naman sa viral “kandungan” video nila ni Kobe na kuha sa isang videoke session, “Sa bahay po yun ng super close friend ko na naging friend na rin ni Kobe and nandiyan po ‘yung non-showbiz friends ko. At nandiyan po ang aking mga magulang.

“First time kasi naming… inaasar namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support him and I guess that’s my way of supporting him,” chika pa ni Kyline.


Nagpaliwanag din si Kyline sa mga litrato nila ni Kobe na naglalakad habang  magkahawak-kamay na kuha raw pagkatapos ng GMA Gala 2024.

“Lumabas po kami. Separate po kaming pumasok sa GMA Gala. The story behind it, first time po kasi ulit ni Kobe na mag-attend sa isang event, kinakabahan po siya nang sobra,” pag-alala ni Kyline.

“So as always, I was just there supporting him. That’s my way,” aniya pa.

Nasorpresa naman si Kyline nang ipalabas ang video message ni Kobe sa “Fast Talk”, “Hey Ky, I just want to wish you a very advanced happy birthday. I am so proud of who you are and who you are becoming.

“You make everyone you meet feel so loved and wanted and you are also an inspiration to so many people. I’ll always be here to support you and I’ll see you soon,” mensahe pa ni Kobe kay Kyline.

Reaksyon naman ni Kyline sa mensahe ng basketball player, “Of course, thank you. ‘Yun lang po ang masasabi ko ngayon at ‘yung iba alam niya na naman po ‘yun.

“Because lagi po naming napag-uusapan at lagi niyang sinasabi sa akin na I am more than all the issues thrown at me and I am more than my love life.

“That’s why lagi niyang sinasabi na, ‘Dito lang ako, ikaw na muna. I will let you shine,’ because he knows po kung ano ‘yung mga napagdaanan ko and I appreciate it,'” sabi ni Kyline.

Hirit pa ni Kyline, “Sana nga po makabalik po siya rito at siya na po ang sasagot ng mga tanong ninyo, kasi I think that’s the proper way.”

Read more...