SB19 na-stress nang bongga dahil sa ginawa ng dating management

SB19 na-stress nang bongga dahil sa ginawa ng dating management

SB19

MATINDI ang naging epekto sa mga miyembro ng SB19 ang pagsubok na pinagdaanan nila habang naghahanda  para sa kanilang anniversary concert at world tour.

Grabeng stress at anxiety ang naramdaman ng super P-pop group noong pagbawalan silang gamitin ang kanilang trademark na “SB19.”

“‘Yung emotional turmoil, ‘yung stress na ibinibigay sa lahat ng taong tumutulong sa amin, sa amin, araw-araw hindi kami makatulog.

Baka Bet Mo: John Arcilla binantaan ng netizen dahil sa Probinsyano: Relax ka lang, chill-chill lang po

“Talagang ganu’n po ‘yung nangyari sa amin,” ang pahayag ng leader ng SB19 na si Pablo sa part 2 ng panayam sa kanila ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Akala po kasi nila very successful na, eh. Kami rin po parang, ‘We’re living the life.’ To be honest po nagpe-prepare po kami for our anniversary concert,” dagdag ni SB19 Pablo.


Kasunod nito, hindi alam nina Pablo, Stell, Ken, Justin at Josh kung matutuloy pa ang kanilang “PAGTATAG! World Tour” dahil hindi na nga nila pwedeng gamitin ang brand na SB19.

“Meron po kaming anniversary concert. Siyempre lahat ng tao about celebration, very happy, tapos may matatanggap kang liham, na hindi ka na ganito. So, ika-cancel ba namin ang show namin?’’

“Marami po kaming countries na hindi napuntahan kasi na-cancel ‘yung show, bawal naming gamitin (ang SB19),” rebelasyon pa ni Pablo.

Masamang-masama ang loob nila nang  hindi na sila tinawag bilang “SB19” nang mag-show sila sa ilang bansa. Dagdag ni Pablo, “Nag-perform po kami, ‘Please welcome, Pablo, Josh, Stell, Ken and Justin!’”

Pagsang-ayon naman ni Stell, “Hindi mo ma-feel ang moment na ‘yun, na parang, ‘Ano kami, sino kami?’”

Baka Bet Mo: Chito Miranda nilinaw na joke lang ang sinabi tungkol sa SB19 members na sina Stell at Pablo: ‘Heads up lang sa mga sobrang seryoso diyan’

“Ang pinaka-worry din, ‘yung ‘Dito na ba titigil lahat?’ Ang hirap eh, binuhos mo ‘yung lahat tapos in an instant may ganu’n,” sey naman ni Josh.


Matatandaan na noong November, 2023 ay ikinagulat ng fans na tinanggal na ang SB19 sa kanilang mga social media platforms dahil sa naging desisyon ng kanilang dating management, ang ShowBT Entertainment.

Kasunod nito, isa-isang kinansela ang kanilang mga show sa Singapore, Bangkok, Dubai, at Japan, na bahagi ng kanilang “PAGTATAG! World Tour” sa Asia, “to prioritize their well-being and to resolve current complexities affecting the tour.”

Pagsapit ng December, 2023, nakipag-dialogue ang grupo sa dati nilang agency hanggang sa payagan na uli silang gamitin ang SB19.

After this, nagtayo na nga ng sarili nilang kumpanya ang grupo na tinawag nilang 1Z Entertainment, kung saan si SB19 Pablo ang tumatayong CEO.

Read more...