NAMATAY ang isang kilalang 23-years old female gymnast matapos mahulog mula sa tuktok ng napakataas na bundok habang nagse-selfie.
Malagim ang sinapit ng Czech athlete na si Natalie Stichova nang malaglag sa Tegelberg Mountain sa Bavaria, Germany, noong August 15, 2024.
Base sa ulat, umakyat si Natalie sa pinakatuktok ng naturang bundok kasama ang kanyang boyfriend at dalawa pang kaibigan.
Sa Tegelberg Mountain matatagpuan ang pamosong Neuschwanstein Castle, ang naging inspirasyon sa kastilyo ni Aurora sa Disney animated movie na “Sleeping Beauty.”
Baka Bet Mo: Fil-Am gymnast Levi Ruivivar Viva artist na, type makatrabaho si Julia
Ayon sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa mga otoridad, habang nagse-selfie ay biglang nadulas at nahulog si Natalie mula sa kanyang kinatatayuang bato na may taas na 262 feet.
Sa panayam ng media sa isang kaibigan ng biktima, sinabi nitong nakatayo si Natalie sa dulo ng isang bato sa tuktok ng bundok para mag-selfie ngunit ilang sandali lamang ay nakita niyang nahulog ang dalaga.
“She fell from a height of about 80 metres (262ft). We will never find out whether she slipped or whether a piece of the rock edge broke off,” pahayag nito.
Mabilis din daw tumawag ng mga pulis ang boyfriend ng biktima at ang dalawa pa niyang kaibigan. Buhay pa raw si Natalie nang ma-rescue at maisugod sa ospital sa pamamagitan ng helicopter.
Ngunit dahil sa matinding brain damage na tinamo ng atleta, makalipas ang halos isang linggong pagkaka-confine sa ospital ay nagdesisyon din ang kanyang pamilya na tanggalin ang life support nito noong August 21.
Baka Bet Mo: Natalie Portman ‘divorced’ na sa asawang French choreographer
Base sa Instagram account ni Natalie, mahilig talaga siyang magpa-picture sa magagandang lugar at talagang passion din niya ang photography.
Kilalang-kilala si Natalie sa kanilang bansa bilang gymnast kaya siguradong matinding kalungkutan at panghihinayang ang nararamdaman ngayon ng kanyang mga kababayan.
Narito ang official statement ng Sokol Pribram Sports Gymnastics Club, kung saan nag-train ang yumaong atleta, “Natalie brought smiles to everyone she met throughout her short life, and that’s how we will always remember her.
“Our deepest condolences go out to her family and close friends, offering them strength and support during these incredibly difficult times.”
Nag-post din sa social media ang nanay ni Natalie tungkol sa tragic death ng dalaga, “She was amazing, loved by all, and we will never stop loving her. I am proud to have been her mother, the daughter of my dreams. You taught me so much, and I wish you could teach me more.”