Ipinasilip na 'kargada' ni Paulo sa 'Fan Girl' fake raw; netizens naglabas ng ebidensya | Bandera

Ipinasilip na ‘kargada’ ni Paulo sa ‘Fan Girl’ fake raw; netizens naglabas ng ebidensya

Ervin Santiago - December 27, 2020 - 11:39 AM

HANGGANG ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang pagpapakita ni Paulo Avelino ng kanyang pagkalalaki sa pelikula niyang “Fan Girl” na official entry sa Metro Manila Film Festival 2020.

Mas pinag-usapan pa ito kesa sa kuwento at tema movie na idinirek ni Antoinette Jadaone at in fairness, naging top trending topic pa sa Twitter kaya naman napakaraming nagkainteres na panoorin ito online. At dahil din diyan kaya napirata agad ang pelikula.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang sinasabing nag-viral na eksena ni Paulo ay nang dyuminggel siya sa gilid ng kalsada kung saan nakita ang nakita ang private part ng aktor.

Imagine, Paskung-pasko pero ang pinagtsitsismisan ng mga netizens ay ang pasabog na frontal scene ng binata sa “Fan Girl”, kaloka, di ba? Ha-hahaha!

Kaya naman kahapon, sa kanyang Facebook fan page ay nanawagan si Paulo sa milyun-milyon niyang followers niya na mag-post ang mga ito ng kanilang selfie kasama siya.

Dito, ipinost din ni Paulo ang still photo mula sa isang eksena nila ni Charlie Dizon sa “Fan Girl” kung makikita silang nagse-selfie.
Aniya, “Selfie with me muna ang ipost nyo, huwag yung… [see-no-evil monkey emoji].”

 

May ilang FB users naman ang nagkomento na fake ang ipinakitang nota ni Paulo sa pelikula. Naglabas pa ang mga ito ng patunay na prosthetics lang ang ari na kanyang ipinasilip sa eksena.

Ilang BTS o behind-the-scenes photos pa ang ibinahagi ng mga netizens kung saan makikita na nilalagyan ng make-up ang katawan ni Paulo.

Wala namang paliwanag ang aktor sa mga pahayag ng ilang nakapanood ng pelikula niya at mukhang hindi na niya sasagutin kung truth or fake nga ang bumanderang “private part” niya sa “Fan Girl.”

Samantala, inulan naman ng tukso si Paulo mula sa mga kaibigan niya sa showbiz kabilang na ang kaibigan niyang film producer na si Neil Arce.

Sa Instagram Story ng fiancé ni Angel Locsin, ipinost nito ang screengrab ng eksena ni Paulo sa pelikula kung saan kilig na kilig sa kanya ang karakter ni Charlie bilang isang die hard fan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Neil sa caption, “Watching #fangirlmovie. Can’t wait to see your [hatching chick emoji] @pauavelino [three rolling on the floor laughing emojis].”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending