Fil-Am gymnast Levi Ruivivar Viva artist na, type makatrabaho si Julia
CERTIFIED Viva Artist Agency (VAA) talent na ang Filipino-American artistic gymnast na si Levi Jung Ruivivar matapos pumirma ng kontrata sa talent management ni Boss Vic del Rosario.
Masayang nakipagchikahan si Levi sa ilang piling members ng entertainment media sa ibinigay na solo mediacon sa kanya ng VAA nitong nagdaang Huwebes, August 29.
Ilang araw ding nanatili ang batambatang atleta sa Pilipinas bago bumalik sa Los Angeles, California, nitong Huwebes ng gabi.
Baka Bet Mo: Chavit give ng P5M si Carlos para sa pagkakaisa ng Yulo family at ni Chloe
Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Levi, siya ang pinakabatang miyembro ng Philippine Centennial Team na sumabak sa 2024 Paris Olympics.
View this post on Instagram
Gumawa siya ng isang kahanga-hangang Olympic debut sa pamamagitan ng pag-secure ng ika-29 na pwesto sa
Women’s Individual All-Around Qualification. Nakamit niya ang kabuuang iskor na 51.099.
Ipinanganak sa Los Angeles, California, si Levi at unang sumabak sa mundo ng gymnastics pagkatapos siyang i-enroll ng kanyang ama, ang aktor na si Anthony Ruivivar, at ang kanyang nanay na si Yvonne sa gymnastics classes noong 18 buwan pa lamang siya.
Sa edad na 12, gumawa na siya ng pangalan para sa kanyang sarili sa mundo ng USA gymnastics. Naging third placer siya sa Desert Lights National Qualifier at nakakuha siya ng bronze medal sa kanyang mga unang elite na kompetisyon—ang World Olympic Gymnastics Academy (WOGA) classic at ang American classic.
Baka Bet Mo: Hidilyn Diaz nahihiyang magpa-picture kay Marian: Mabait at sweet pala siya in person
Sa 2021 Winter Cup, nakakuha si Levi ng gold medal on uneven bars at naging sixth placer sa all-around na kategorya. Fast forward sa 2021 Junior Pan American Games, pumangatlo siya sa all-around na kategorya, sa kabila ng pagkakaroon ng wrist injury.
Pagsapit ng Setyembre, 2023, pagkatapos niyang irepresent ang Estados Unidos sa simula ng kanyang karera sa gymnastics, inannounce niya ang kanyang intensyon na i-represent ang Pilipinas moving forward.
View this post on Instagram
At matapos nga ang kanyang makasaysayang debut sa 2024 Paris Olympics, handa na si Levi para sa mas maraming pang oportunidad bilang isa sa mga pinakabagong miyembro ng Viva Artists Agency.
“Growing up, Filipino culture has been a very important part of my life and I am beyond grateful to connect to my Filipina culture through my love of gymnastics,” sabi ng dalagang atleta.
Aniya pa tungkol sa pagiging VAA artist, “I’ve always had a passion for entertainment industry. I don’t know if it’s just the way I was born or if it has to do, like, my parents both being actors.
“But I actually really, really was pushing both my parents to be able to get more involved in the entertainment industry, like acting, modelling, and brand deals as both in social media.
“Since I was a younger gymnast, I really made it a point to post more consistently and kinda put myself out there,” sabi ni Levi.
Patuloy pa niya, “I felt that signing with Viva was gonna help me more in that deals and I would be able to achieve more my high reaching goals by working with Viva ‘coz there’s always so much that you can do on your own through, like, social media.
“So I was really hoping that by signing with Viva, I would be able to reach to a larger audience and the audience, specifically in the Philippines as well,” dagdag ng dalaga.
Gusto raw makatrabaho ni Levi in the future ang kapwa VAA talent na si Julia Barretto, “In terms of movies and stuff like that, we have to do more research, but a lot of people say I look like Julia Barretto. So, I guess, she’s my long lost sister.”
“When I was younger, I did some voiceover work and I did a short film called Girl Power. And I did the voice of one of the characters on Doc McStuffins who’s actually Filipino characters, it’s a kid show,” sey pa ni Levi na ang tinutukoy ay ang animated children’s TV series sa Disney Junior channel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.