Hidilyn Diaz nahihiyang magpa-picture kay Marian: Mabait at sweet pala siya in person | Bandera

Hidilyn Diaz nahihiyang magpa-picture kay Marian: Mabait at sweet pala siya in person

Ervin Santiago - July 14, 2022 - 07:44 AM

Marian Rivera, Hidilyn Diaz at Zia Dantes

HIYANG-HIYA palang magpa-picture ang kaisa-isang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Inamin ni Hidilyn sa kanyang Instagram post na nahiya siyang magsabi kay Marian kung pwedeng magpalitrato silang dalawa nang magkita sila nang personal.

Sinamahan kasi ng misis ni Dingdong Dantes ang panganay na si Zia sa formal training nito ng gymnastics sa ilalim ng pagtuturo ng kanyang Olympian teacher na si Hidilyn.

Nitong nagdaang Tuesday, July 12, nagbalik na nga si Zia para sa kanyang face-to-face gymnastics class at mismong ang kanyang Mama Marian ang naghatid sa kanya sa klase ni Hidilyn.

Nag-post pa ang Kapuso TV host-actress sa Instagram ng mga litrato ni Zia habang nagsasanay kasama ang Pinay Olympic gold medalist.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Irvin 光る Naranjo (@imjulius)


Ni-repost naman ni Hidilyn sa kanyang Instagram stories ang  ibinahaging mga pictures nila ni Zia na may caption na, “Ang galing ni Zia sa training niya kanina. Kudos kay idol Marian pinaenroll niy niya sa Gymnastics class si Zia.”

Sa isa pa niyang post sa Instagram, makikita naman ang litrato nila ni Marian na all-smile at nakayakap pa sa kanya.

Ang isinulat na caption ni Hidilyn, “Nahihiya ako magpapicture kay idol @marianrivera syempre Marian yan! Mabait at sweet pala siya in person. Hands-on at supportive siya kay Zia. Kudos to Marian.”

Samantala, pagkatapos ng gymnastics training niya kay Hidilyn, dumiretso na agad si Zia sa kanyang street dance class.

Ibinahagi rin ni Marian ang video ng anak kung saan humahataw ito sa bagong sayaw na natutunan. Bilib na bilib ang aktres sa kakaibang energy ni Zia.

“Iba ang energy ng anak ko after gymnast – street dance naman. kanino nag mana?! (emojis),” sey pa ni Marian.

Sa isang post, naikuwento ng celebrity mom na two years old pa lang si Zia ay sumasalang na ito sa gymnastics class (2018). Dito ibinahagi ni Marian ang mga throwback photos ni Zia kung saan nag-split daw agad ang bata sa unang araw pa lang ng klase.

https://bandera.inquirer.net/307349/marian-payag-na-sa-faceface-classes-ni-zia-gusto-kong-matuto-talaga-siya-ng-totoong-buhay-sa-labas

https://bandera.inquirer.net/307092/marian-payag-mag-artista-ang-2-anak-nila-ni-dingdong-pero-merong-kundisyon

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/289293/hirit-ni-hidilyn-matapos-magwagi-ng-gold-sa-tokyo-2020-olympic-games-yes-kakain-talaga-ako-ng-marami-ngayon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending