SB19 Stell palaban na: May issue ba tayo kung maging bakla ako?

SB19 Stell palaban na: May issue ba tayo kung maging bakla ako?

SB19 Stell at SB19 Pablo

SINUPALPAL ni SB19 Stell Ajero ang mga bashers na patuloy na kumukuwestiyon sa kanyang gender at sexual preference.

Hindi kasi mamatay-matay ang isyu tungkol sa sekswalidad ni Stell pati na rin sa isa pang miyembro ng kanilang grupo na si SB19 Pablo.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa mga miyembro ng SB19, napag-usapan nga ang isyung ito at si Stell na nga ang matapang na sumagot.

Baka Bet Mo: SB19 Stell sa isyu ng pagpaparetoke: Kung may budget ka, ipagawa mo na

Ayon sa binata, wala siyang nakikitang problema kung sakaling mang bakla siya. Hindi raw ito isang uri ng insulto para sa kanya na palagi ngang ibinabato sa kanila.

“Hindi ko nga rin po talaga maintindihan. Kasi unang-una po, tingin po ba nila insulto ‘yong ganu’ng klaseng bagay?


“Ako, for example, lagi po akong natatanong or lagi pong nagiging issue po sa ‘kin ‘yun and I don’t mind na if ever man isipin nilang ganu’n. Kasi if ever man ganu’n ako, what’s the problem?

“So, if ever man na ganu’n ako, ano’ng problema? So, may issue ba tayo kung for example na maging bakla ako or anything naman na matawag n’yo sa akin?

“Kasi pare-parehas naman tayong tao, pare-parehas tayong kumakain, pare-parehas tayong dumudumi,” ang dire-diretsong paliwanag ni Stell.

Baka Bet Mo: SB19 Stell sa viral All By Myself: Grabe! Parang nanalo kami sa contest!

In-address din ng “The Voice Kids Philippines” coach ang ginagawang pagsi-ship sa kanila ng ilang fans na inaakala ng iba na totohanan na at nalalagyan na ng malisya.

“Katulad nga po no’ng mga gano’ng issue, na mahilig ‘yong mga fans sa shipping. Hindi namin maiiwasan ‘yon.

“Kasi kami nga minsan nagkaka-ano rin kami, bakit parang ganu’n ‘yong tingin ng tao, eh sa amin parang normal naman ‘yun bilang magkakaibigan. Sa ibang tao, iba pala ‘yung iniisip nila,” paliwanag pa ni Stell.

Pakiusap ni Stell sana raw ay tigilan na ang mga kanegahan dahil ang gusto lamang nila ay maging masaya ang lahat at ma-enjoy ang kanilang mga ginagawa para sa lahat ng fans.


“Wala naman kaming problema sa mga ganoong klaseng issue kasi willing naman po kaming sagutin lahat,” sey pa ni Stell.

Para naman kay Ken, “Yung pinaka-first impression, ‘yun talaga ang matatandaan ng mga tao eh. especially kapag hindi kami kilala tapos gusto nila kaming kilalanin and ‘yun yung nakikita nila sa social media na ganito ganiyan.

“About shipping, tapos nag-aaway-away sila just because boto sila sa ganitong ship. It’s alright as long as parang katuwaan lang.

“But to the point na mag away-away na kayo just because of a petty thing na ganyan, I think that’s not okay. Hindi na siya maganda,” ang punto pa ni SB19 Ken.

Read more...