Anak ni Sheryn Regis na si Sweety ibinandera ang pagiging bisexual: ‘I’m so proud of her for having an open mind para sa lahat ng gender’
MATAPANG na lumantad sa publiko ang anak ni Sheryn Regis na si Sweety Echiverri para amining isa siyang bisexual.
Ang pag-amin ni Sweety sa kanyang sexual preference ay nangyari kahapon, April 25, sa morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay.”
Sa pamamagitan ng isang video message, nag-open up ang anak ni Sheryn kung saan inamin niyang nagulat din siya nang mag-come out ang ina at amining isa rin siyang member ng LGBTQIA+ community.
“Ang initial reaction ko po when my mom came out, at first I was very surprised kasi my mom never really showed a sign that she was in a closet.
View this post on Instagram
“And around that time I was also confused about my sexuality and my self-identity.
“I was a young teenager when she first came out to me. Since then when my mom came out to me, I actually had the guts and comfort to come out to her and my dad as bisexual,” ang pahayag ni Sweety.
Baka Bet Mo: Sheryn Regis nag-asawa’t nagkaanak: Pero alam kong babae talaga ang gusto ko
“I am so proud of how supportive and how amazing and how representative you are of the LGBTQ community. And good luck to you and your future concerts,” dagdag pang chika ni Sweety tungkol sa kanyang nanay.
Tinanong naman si Sheryn ng “Magandang Buhay” host na si Regine Velasquez kung ano ang naging reaksyon niya nang mag-come out sa kanya ang anak.
View this post on Instagram
“I am so proud of her for having an open mind para sa lahat ng gender, kung anumang sitwasyon ng buhay naiintindihan niya sa murang edad,” sabi pa ng biriterang singer.
Wala rin daw issue sa tatay ni Sweety at dati niyang asawa ang sexuality ng kanilang anak. Tanggap na tanggap daw nila ang pagiging proud LGBTQIA+ ni Sweety.
“Pinag-uusapan din namin whatever Sweety decides, prefers kung ano ang gender preference niya, in-accept namin.
“Kasi we accepted her, I accepted her and now she accepted me for being who I am but mommy pa rin ako,” pahayag pa ng OPM artist.
Matatandaan na noong 2021 ay inamin ni Sheryn na isa rin siyang lesbian. Ang sabi pa raw niya sa dating asawa, “Tito Earl (tawag niya sa ex husband), I am a lesbian. I’m living a lie. Not just to you, not just to the family, a lie sa sarili ko rin.
“Kasi dine-deny ko eh, di ko siya pinagbigyan, kaya siguro ako nagka depression, nagkasakit ako [with thyroid cancer], sinubok ako ng buhay. Kaya parang feeling ko, ‘Bakit hindi ko sabihin kay (Tito Earl)?’ Baka, bukas, wala na ako, di ko pa rin ma-fulfill yung gusto ko, na sabihin kung ano talaga ako,” sabi ni Sheryn na maligayang-maligaya ngayon sa piling ng kanyang partner na si Mel de Guia.
Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?
Sheryn Regis, Mel De Guia isang taon nang magdyowa: My heart leaps with joy!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.