Trigger Warning: Mention of sexual harassment, sexual abuse
NAKALABAS na sa detention facility ng Senate of the Philippines ang inireklamo ng sexual abuse ni Sandro Muhlach na si Jojo Nones kagabi, August 28.
Ten days ding nakulong ang independent contractors ng GMA 7 matapos siyang bigyan ng contept order ni Sen. Jinggoy Estrada sa Senate hearing noong August 19 dahil sa umano’y pagsisinungaling at sa patuloy nitong pagtanggi na sagutin ang mga tanong ng senador.
Baka Bet Mo: Jojo Nones nag-sorry kay Jinggoy, inatake raw ng stress, anxiety
At dahil sa pagsagut-sagot nang pabalang ni Nones kay Sen. Jinggoy sa ginanap na pagdinig nitong nagdaang araw tungkol sa sexual abuse at harassment case, ay hindi pa rin siya pinayagang makalabas ng detention center.
Kasunod nito, nag-sorry ang writer at director ng GMA kay Sen. Jinggoy. Narito ang bahagi ng handwritten letter kung saan nagpaliwanag si Nones sa naging asal niya sa hearing.
“I am writing to sincerely apologize for my conduct during the Senate hearing earlier today.
“I recognize that my words and tone may have come across as disrespectful, and I deeply regret allowing my emotions to get the best of me.
“The anxiety and stress I’ve been experiencing due to my detention unfortunately clouded my judgment, and I did not express myself in the manner intended.
“Please know that it was never my intention to be disrespectful to you or the Senate.
“I am committed to ensuring that my future interactions will reflect the respect and professionalism that your positions deserve.
“Thank you for your understanding, and I hope to demonstrate through my actions that this was an isolated incident.”
Agad namang tinanggap ni Sen. Jinggoy ang apology ni Nones at hindi na kinontra ang release order ng akusado na pirmado ni Senate President Chiz Escudero na mula naman sa kahilingan ni Sen. Robin Padilla, ang chairman ng Committee on Public Information and Mass Media.
Sa kanyang Facebook account ay nag-post si Sen. Jinggoy ng mensahe hinggil sa paglaya ni Nones sa detention facility ng Senado, “Sa muli naming personal na paghaharap kanina, matapos ko matanggap ang kanyang letter of apology kung saan nanghihingi siya ng paumanhin sa kawalan niya ng galang sa pagsagot sa aking mga katanungan sa Senate hearing nitong Martes, kinatigan ko na ang kanyang release order.
“Isinaalang-alang natin ang kanyang kalagayan para payagan na siyang makaalis mula sa kustodiya ng Senado.”
Kasama ni Nones sa kanyang paglabas sa Senado ang kanyang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Narito naman ang official statement ni Atty. Garduque
“We are very happy that Jojo is finally released from the Senate detention facility. At least now we can concentrate with the case pending before the DOJ. We thank you for all who prayed for Jojo.”