Ogie Diaz sa mga artistang nasasaktan niya: Nagso-sorry ako, pero…

Ogie Diaz sa mga artistang nasasaktan niya: Nagso-sorry ako, pero...

Ogie Diaz

AMINADO ang talent manager at online host na si Ogie Diaz na may mga celebrities na talagang nagtampo sa kanya dahil sa mga pasabog niyang chika.

Binansagan siya ng mga netizens sa social media bilang “Patron ng mga Marites” dahil sa dami ng showbiz balita na kanyang pinaputok sa pamamagitan ng mga content na ginagawa niya sa YouTube.

Sa interview ng award-winning actress na si Aiko Melendez kay Mama Ogs, na napapanood sa kanyang YouTube channel, ni-reveal niyang maraming artista na dati niyang mga friendship ang sumama ang loob dahil sa mga balita na inilalabas niya.

Baka Bet Mo: Cristine umaming nagtampo kay Lord; ibinalik ni Marco ang kanyang faith

“May mga artista sa akin na nagtampo dahil minsan, kapag nakakaladkad ‘yung pangalan nila, na ire-report namin kasi sumabit sila doon sa isyu, makakarating lang sa akin nagtatampo,” pag-amin ni Ogie.

Humihingi naman daw siya ng tawad sa mga celebrities na nasasaktan sa pagbabalita niya, “Kung nasaktan man siya, kung na-offend man siya du’n sa pagsabit ng pangalan niya, nagso-sorry ako.

“Pero minsan hindi ka pa rin forgiven. Parang may ngitngit pa rin at naintidihan ko naman din sila, kung saan sila nanggagaling,” aniya pa.


“Pero hindi na para isiksik ko ‘yung sarili ko. Hindi para ipaggiitan ko sa kanila na, ‘Huy! Nag-sorry na ako, ano ba? Patatawarin ni’yo ba ako?’

“Hindi ko na pinipilit iyon kasi mangyayari at mangyayari ‘yun pagdating ng araw nang hindi pinipilit,” dagdag pa niyang paliwanag.

“So nandoon pa rin ako. Hindi pa rin ako nawawalan ng hope na mangyayari na magkakaayos din,” sey pa ni Mama Ogs.

Ngunit ang ipinagdiinan niya, kahit na may galit o tampo sa kanya ang artista, hindi raw ito sapat na dahilan para itigil niya ang pagbabalita tungkol sa mga ito.

Read more...