Impersonator ni VP Sara sikat na: Hindi naman po ako natatakot!

Impersonator ni VP Sara sikat na: Hindi naman po ako natatakot!

Ervin Santiago - August 27, 2024 - 12:30 AM

Impersonator ni VP Sara sikat na: Hindi naman po ako natatakot!

VP Sara Duterter at Inday Tasha

IN FAIRNESS, sikat na sikat na ngayon ang impersonator ni Vice President Sara Duterte na si Inday Tasha.

Hindi raw in-expect ni Inday Tasha o Mark Geronda sa tunay na buhay na papatok at bebenta sa mga netizens ang panggagaya niya sa Bise Presidente ng Pilipinas.

Ayon kay Inday Tasha, nagsimula ang lahat noong nagtatrabaho pa siya bilang service crew sa isang food park market sa Katipunan, Quezon City.

Baka Bet Mo: Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown!

“Dito po ako nagsimula sa Katipunan po sa the Pop Up noong ako ay isang server po sa isang store po dito and while working po, nagsi-serve po ako may nag-i-Inday-Inday Sara so ako naman po sinasabayan (nakiki-ride) ko po ang mga customer,” kuwento ni Inday Tasha sa panayam ng ABS-CBN.

Shookt daw ang social media personality nang bigla na lamang nag-viral ang isang video na ipinost ng isa nilang customer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Tasha (@inday_tasha)


“Kinabukasan po, bigla na lang kumakalat ‘yung video ko sa iba’t ibang social media platform, ayun kumalat nang kumalat po, hanggang sa nag-viral na po ako sa Twitter, Facebook, Instagram and TikTok ganyan po.

“Tapos sabi ko, ‘sayang naman po kung hindi ko sabayan’, so ang ginawa ko po, nag-impersonate na po ako, ginagaya ko na po siya through parody po to entertain and for fun lang po,” lahad pa ng komedyante.

Baka Bet Mo: Nanay ng Barretto sisters na si Mommy Inday nahulog sa escalator ng mall

At mula nga noon ay mas dumami ang nagpa-follow sa mga socmed accounts niya at tuluyan nang in-embrace ang pagiging impersonator ni VP Sara Duterte.

“Hindi naman po ako napikon. First po, no choice naman ako kasi kamukha ko, ‘di ba? So ako, ‘Ay gayahin ko na lang’ gawan ko na lang ng parody, for entertainment hindi naman po ako napikon,” aniya pa.

Wala pa naman daw siyang natatanggap o naririnig na anumang komento mula sa kontrobersyal na bise presidente hinggil sa panggagaya niya.


“Actually wala pa po. Pero ‘yun po ang gusto ko ang magkaroon po kami ng connection magkita po kami, makapagpa-picture po ako sa kanya kasi nga po idol ko rin po siya at the same tiime kasi nga po kamukha ko.

“Gusto ko kapag magkita kami ‘Ay siya ba iyun, ako ba iyan’ gusto ko makita ‘yung magiging reaksyon niya. ‘Madam, ka-look a like kita.’ Charing!” aniya pa.

Pero kung marami ang natutuwa at naaaliw sa kanya, may mga namba-bash at nang-ookray din sa pag-i-impersonate kay VP Sarah.

“Meron pong mga negative, kokonti lang po mas marami pa rin po ‘yung positive side na nagsu-support sa akin at natutuwa.

“Yung mga negative comments po hindi ko po siya tinatake for me kasi wala naman po akong ginagawang masama, wala rin naman po akong ginagawang mali, as long as hindi po ako nagtatapak ng tao.

“And hindi ko rin po siya sinisiraan, hindi ko siya minumura, hindi ko siya ginagawan ng masamang video and hindi ako nagbibigay ng maling information.

“Hindi naman po ako natatakot at hindi rin ako nakakagawa ng masama. Kasi ako to make entertain lang po and fun lang po sa mga manonood,” dagdag ni Inday Tasha.

“Yung mga hindi po nagugustuhan po sa akin, okay lang po iyan, hindi po ako namimilt na magustuhan niyo, for me po mayroon pong ibang tao na magpapasaya sa inyo kasi ako mayroon pong natutuwa sa akin at doon lang po ako nagpo-focus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“And kung ayaw niyo po sa akin, it’s okay po kasi magkakaiba tayo ng perspective sa buhay and mga gusto po and kung ayaw niyo po sa akin and sa content ko, its okay po I love you all so much,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending