Herlene Budol naloka, bet kainin ng matandang lalaki sa CDO

Herlene Budol naloka, bet kainin ng matandang lalaki sa CDO

Therese Arceo - August 24, 2024 - 11:20 PM

Herlene Budol naloka, bet kainin ng matandang lalaki sa CDO

NAWINDANG ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol sa nagiing sagot sa kanya ng matandang lalaki sa ginanap na event sa Cagayan de Oro kamakailan.

Isa kasi sa mga celebrities na naging bisita sa naturang event ang Kapuso star para magpasaya sa mga naninirahan sa naturang lugar.

Sa katunayan, ibinahagi ni Herlene sa kanyang Facebook page ang video na kuha nang makisaya siya sa naturang fiesta.

Mapapanood sa naturang video ang pagtawag niya ng mga contestant sa audience para sa kanyang palaro.

Baka Bet Mo: Herlene Budol nagpasalamat sa pagtulong ni Barbie Forteza noong GMA Gala

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Tinanong ni Herlene isa-isa ang mga napili niyang maglalaro hanggang sa natawag na niya ang matandang lalaki na walang ngipin.

“Ito na lang ang una kong itatanong. Ano ang una mong kakainin ‘pag nagkangipin ka?” tanong ng Kapuso star.

Ang sumunod na sagot ng matandang lalaki ang nagpawindang kay Herlene pati na rin sa mga manonood.

“Syempre…ikaw,” sagot ng matandang lalaki.

Napuno ng sigawan at tawanan ang paligid mula sa mga manonood dahil sa pagkaaliw sa naging sagot ng matandang lalaki sa tanong ni Herlene.

Maging ang mga netizens ay natawa at naaliw sa napanood na video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaloka pagkain kana pala ngayon Ms Herlene Hipon Budol grabe ka Tatang ah,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Hahahahaa kakatuwaai tatay..Siguradong nabugbug na yun ng asawa nya.”

“Masasampala ka ni Hipon (Herlene) tatang,” hirit naman ng isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending