Herlene nagpasalamat sa pagtulong ni Barbie noong GMA Gala

Herlene Budol nagpasalamat sa pagtulong ni Barbie Forteza noong GMA Gala

Therese Arceo - July 25, 2024 - 05:50 AM

Herlene Budol nagpasalamat sa pagtulong ni Barbie Forteza

NAGPASALAMAT ang beauty queen-comedienne na si Herlene Budol sa ginawang pagtulong sa kanya ni Barbie Forteza matapos siyang madapa sa stage noong rumampa ito sa GMA Gala 2024.

Matatandaang noong Sabado, July 20, nang maganap sa Manila Marriot Hotel Ballroom ang taunang event ng Kapuso network.

Isa si Herlene sa mga rumampa sa stage suot ang gown na gawa ni Leo Almodal ngunit sa kasamaang palad ay nadapa ito at ang video ng pagkakadapa niya ay nag-viral sa social media.

Kasunod niyang rumampa Barbie na siyang agad na tumakbo papunta sa komedyana upang tulungan itong makatayo.

Baka Bet Mo: Herlene basag sa bashers, sinadya raw madapa, mahulog sa GMA Gala

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pag-amin ni Herlene, talagang naapakan niya ang dulo ng hown niya kaya nanan nawalan siya bg balanse sa paglalakad.

Kaya naman dalawang araw matapos ang event ay personal na pinuntahan ni Herlene si Barbie para magpasalamat.

Ibinahagi nga ng comedienne-beauty queen ang video ng pagpunta niya kay Barbie sa taping nito para sa Family Feud.

Nakayapak pa nga si Herlene dahil sa pagmamadali para maabutan ang aktres.

“Thank you, Ate,” bungad niya kay Barbie pagkakita niya rito pagkatapos ay naguakap silang dalawa.

“Noong nadapa ako, hindi ko napansin kung sino na yung mga tumulong. Nakita ko na lang yung sa video, ang daming nagta-tag sa akin na nandoon ka, to the rescue. Ang laki-laki ng gown mo, tinakbo mo ako. Kaya maraming-maraming salamat,” pagpapatuloy ni Herlene.

Sagot naman ni Barbie, “Oo naman, okay na yon, mabuti na yung okay ka. Basta okay ka, ayun naman yung importante.”

Ibinahagi naman ni Barbie kung bakit siya napatakbo para tulungang tumayo si Herlene.

“Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko rin nagawa yung [tumakbo sa suot kong malaking gown] na hindi rin nadadapa. Yung nakita ko kasi siyang bumagsak, talagang gusto ko lang matulungan siya, na ma-awra niya nang maayos yung damit niya. Pa-thank you na ako nun, e [tapos biglang ganun nangyari].

“Pero ang galing, naka-take two ka dun, ang galing nung kanyang final walk,” hirit pa ni Barbie kay Herlene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pag-amin naman ng komedyana na ilang beses na rin siyang nadapa bago pa ang rampa sa stage.

Ibilaban lang talaga ni Herlene dahil gusto niyang ibandera ang gown para sa taong gumawa ng kanyang suot.

“Actually, nasaktan ako, may mga sugat ako [sa tuhod]. Nilamon na ako nun ng kahihiyan ko, pero sabi ko sa sarili ko, ‘Hindi, Herlene, kesa sa magpabebe ka, tumayo ka,'” sey ni Herlene.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending