Ogie may hugot sa ‘hukbong sandatahan’ at ‘makipot na westpoint’
MARAMI ang naintriga at napahula sa Facebook post ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz tungkol sa “penetration.”
Sa kanyang “My Day”, nagbahagi si Mama Ogs ng cryptic message na pinaniniwalaang may kinalaman sa pinag-uusapang ngayong kaso ng panghahalay at pang-aabuso sa mundo ng showbiz.
Pa-blind item ang pagkakakuwento ni Ogie sa kanyang FB post pero ang hula ng mga nakabasa nito, baka connected pa rin daw ito sa isinasagawang pagdinig ng Senado sa mga kaso ng sexual abuse sa entertainment industry.
Baka Bet Mo: FB page ni Ivana Alawi bigla na lang nawala: No warning, no violation, no report, no e-mail…
Simulang pahayag ni Mama Ogs, “Hindi naman sana totoong nagkaroon ng penetration or pinilit na mai-penetrate yung hukbong sandatahang lakas sa makipot na west point nu’ng tao.”
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Grabehan na talaga pag nagkataon. Kahit walang penetration basta idinikit daw ang property sa lagusan del norte, it’s still considered ar-ey-pi-i.”
“True ba?” hirit pa ng online host.
Burado na sa “My Day” ni Mama Ogs ang naturang post pero base sa mga nakausap namin na nakabasa nito, maaaring konektado pa rin ito sa rape case na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Pwede rin daw itong follow-up sa rebelasyon ng singer na si Gerald Santos hinggil sa panggagahasa sa kanya umano ng isang musical director na nagtatrabaho noon sa GMA 7.
* * *
Mas umigting ang tensyon sa “Pinoy Big Brother Gen 11” matapos turuan ni Kuya ng leksyon ang natitirang Housemates sa dami ng kanilang violations sa loob ng kanyang pamamahay—na nagresulta rin sa automatic nomination nina Fyang, Rain, Kai, Kolette, Dingdong/Patrick, at Dylan.
Baka Bet Mo: Pagsita ni Vice kay Axel wala raw ‘violation’ sa MTRCB, sey ni Ogie Diaz
Matapos ang double eviction nina Brx at Noimie, nawindang muli ang Housemates nang mapagsabihan sila ni Kuya na lahat sila ay nakagawa ng samu’t saring violations—mula sa hindi paggamit ng lapel, pagbulong at paggamit ng sign language, pagtulog nang wala sa tamang oras, paninira ng gamit, pakikipag-usap sa mga guest patungkol sa outside world, at iba pa.
Dahil sa hindi pagsunod sa kanyang patakaran, pinarusahan ni Kuya ang lahat ng Housemates nang pagbuhatin sila ng higanteng rule book at hindi nila ito maaaring ibaba hanggang walang pahintulot niya.
Dinagdagan pa ni Kuya ang kanilang parusa nang mapagdesisyunan din niya na ang Housemates na may pinakamaraming violation ay mapapatawan ng automatic nomination ngayong linggo.
Sa tally ng violations, lamang sina Fyang at Rain with 16 violations, Kai at Kolette na may 14, Dingdong/Patrick with 13 violations, pati Dylan na mayroong 11.
Sa mga nais bumoto, i-download at mag-sign up nang libre sa Maya app, ang official voting partner ng PBB Gen 11. I-tap lang ang PBB icon sa app para makaboto ng mga nominadong Housemate na nais nilang ma-save o evict, at pwedeng bumoto ng 10, 50, o 110 votes na ibabawas sa Maya wallet. Pwedeng makaboto ng 15 beses kada araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.