Mon Confiado tuloy ang demanda sa vlogger kahit nagmakaawa na

Mon Confiado tuloy ang demanda laban sa vlogger kahit nagmakaawa na

Ervin Santiago - August 22, 2024 - 07:40 AM

Mon Confiado tuloy ang demanda sa vlogger kahit nagmakaawa na

Mon Confiado

TULOY ang cyber libel case ng award-winning actor na si Mon Confiado laban sa content creator na si “Ileiad” kahit nagmakaawa na itong iurong na ang kaso.

Walang plano si Mon na iatras ang cyber libel complaint na isinampa niya sa National Bureau of Investigation (NBI) kay Ileiad o Jeff Jacinto sa tunay na buhay.

Si Jacinto ang vlogger na nag-post sa kanyang social media account ng fake news o ang tinatawag na “copypasta” story tungkol kay Mon na isa raw malaking kasinungalingan.

Baka Bet Mo: Mon Confiado 11 years nang walang dyowa: Tinanggap ko nang matandang binata na ako…

“Nagmamakaawa, nag-apologize. Pero ang mali niya, hindi niya tinangal agad yung post. Hindi yung drinag ‘yung name ko.

“Ang mali niya raw dapat tinangal agad noong nagmessage ako,” pahayag ng aktor sa panayam ng ABS-CBN.

“Tuloy (ang kaso). Hindi ko alam saan pupunta kaso, it does not matter. Ang importante maging aware tayo lahat na hindi pwede gagawa basta ng kwento. Ganu’n lang ba yun?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mon Confiado (@monconfiado)


“Hindi lahat tayo nagsiraan. Sabihin joke lang! Kailangan natin itama. Dapat siguro masimulan. Ito na yun,” aniya pa.

Hindi rin daw maramdaman ng premyadong aktor ang sincerity ng paghingi ng tawad ng vlogger.

“Nag-apologize pero hindi sincere. Sinabihan mo pa ako ng ‘is this a threat?’ Hindi mo pa rin ito tinanggal hanggang kinabukasan ng gabi.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo umiiyak na nagmakaawa sa ‘Eat Bulaga’ matapos matsugi: Sana bigyan n’yo pa ako ng chance na makabalik

“Oo, nag-public apology ka kunwari later on pero sarcastic at hindi sincere. At wala ni katiting na pagsisisi at proud ka pa sa ginawa mo.

“At ginagawa niyo pa akong katatawanan ng mga followers mo. At ngayon ikaw na ang biktima at ako na ang masama,” ang post ni Mon sa kanyang Facebook account.

Noong August 9, ni-repost ng aktor ang kasinungalingan ng vlogger kung saan pinalabas nitong nagkaengkuwentro sila sa isang grocery store at sinabing tinangka raw mag-shoplift ni Mon ng mga chocolates.

Sabi ni Mon, “Na-drag pangalan ko. Nanahimik ka. Negative ang sinasabi, although joke iyon. And it is a meme. Ang problem, hindi lahat naiintindihan. Paano yung hindi alam, including ako.

“As I’ve said in my post, wala akong kaaway, ni-isang nakaaway, issue. Never ako na-involve sa gulo o incidente. Biglang ganito, parang Mali naman yun. Sana maging lesson sa Lahat ng content creator,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ni Ileiad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending