Joshua, Julia 'textmates' na, relate na relate sa 'Un/Happy For You'

Joshua, Julia ‘textmates’ na, relate na relate sa ‘Un/Happy For You’

Reggee Bonoan - August 17, 2024 - 08:18 AM

Joshua, Julia 'textmates' na, relate na relate sa 'Un/Happy For You'

PHOTO: Instagram/@graciajoshuae

INAMIN ng aktor na si Joshua Garcia na friends na ulit sila ng ex-girlfriend niyang aktres na si Julia Barretto dahil nagpapalitan na ulit sila ng text messages na dati’y hindi.

Ito ang kwento ng aktor sa panayam niya sa TV host na si Bianca Gonzales-Intal sa “BRGY Season 3” vlog ng The Filipino Channel (TFC).

Tinanong kasi ni Bianca kung saan patungo ang JoshLia pagkatapos ng pelikula nilang “Un/Happy For You.”

“Feeling ko naman magiging friends talaga kami kasi nagme-message na rin kami na iba ngayon kasi puro work yung pinag-uusapan like may mga nakakatawa kaming nakita tapos ime-message ko sa kanya or ime-message niya sa akin tapos tatawanan namin, mga ganu’n,” nakangiting sabi ni Joshua.

Natanong din ni Bianca na isa rin sa ikinatuwa ng kanilang supporters ay dahil sa balik-tambalan ng JoshLia.

Baka Bet Mo: JoshLia hindi nagpaalam sa mga dyowa nang gawin ang reunion movie

At inamin naman ng ex-boyfriend ni Julia na ang saya ng experiences nila sa mga mall shows at promo ng FUn/Happy for You,” lalo na sa out of town.

“Ang saya no’n, ang saya ng mga mall shows namin siguro kasi bukod sa napakaraming taong pumunta at nagbigay ng oras.  One time nandoon kami sa Iloilo nag-show kami ro’n tapos may kinuha silang host tapos hindi na nakapagsalita ‘yung host kasi kami na lang ni Juls nagsasalita, ang daming nangyayari tapos biglang may pasayaw pa. Ang saya lang ng vibe actually lahat ng promo, sobrang na-enjoy ko ‘yung promo kasi parang nagse-celebrate na kayo ng mga kasama mo ng mga panahon na ‘yun,” balik-tanaw ng aktor.

Bukod sa JoshLia ay kasama rin nila sa promo ang ibang kasama sa pelikula na sina Aljohn Mendoza at Bianca de Vera.

Samantala, inamin din ni Joshua na sa mga last shootings days nila ni Julia ay nahirapan na silang gawin ang mga eksenang related sa tunay na nangyari sa relasyon nila.

Tanong ni Bianca, “Is it an instant yes when they give you this project? “

“Yes, ang backstory niyan gusto ng Star (Cinema) na gumawa na ako ng movie with them, sabi ko hindi ko kaya ng mag-isa, so, meron silang pinitch sa akin at ito ‘yun.  Sabi ko (agad) yes, let’s do it (kasi) ang ganda ng story para magka-reunite ulit kami ni Julia,” kuwento ng binata.

Tanong ulit ni Bianca, “Kasi the story of Zy and Juancho they are exes in the film and sobrang true to life for you as actors, so, meron bang time na binabasa mo ‘yung script tapos may nabasa kang ‘nasabi ko ‘to or nasabi to sa akin’ in the past.”

“Yeah meron kasi like for example ‘yung mga last shooting days namin may mga ginagawa kaming scenes na nahihirapan na kami as in kasi naiwan ‘yung mga mabibigat.

“Nahirapan kami kasi nire-reject na ng katawan namin (mga eksena). Parang ayaw tanggapin ng katawan namin kasi tapos na ‘yung emosyon namin namin doon natapos na ‘wag mo nang balikan.’  Ganu’n (dating) sa amin. May mga lines (sa movie) na nasabi namin dati,” esplika ni Joshua.

Klaro ni Bianca, “Ang ibig sabihin na tapos ka na, healed ka na kaya ang hirap ng balikan (o) bumalik sa place na ‘yun, parang ganu’n?”

“Sa moment na ‘yun kaya namin, gagawin namin open kami para gawin, it’s just that ‘yung katawan namin ang nagsasabing ayaw, so, walang lumalabas na emosyon at lumalabas (nakikita) sa kamera na ina-arte lang namin which is ayaw naming mangyari kasi nga sinimulan na namin ng maganda o totoo lang, tapos biglang a-aktingin lang namin,” paliwanag pa nang mabuti ni Josh.

Ito ‘yung mga linyang nasabi na nina Josh at Julia sa isa’t isa at ito ‘yung napanood sa “Paubaya” music video ng singer na si Moira dela Torre. Kaya laging sinasabi ng dalawa na nasabi na nila rati sa isa’t isa ang mga dapat sabihin.

At ang pakiramdam na ito ay nagsimula raw kay Julia.  Nu’ng una ako ang gumawa nu’ng scene pero hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko, nu’ng shot na niya ganu’n din ang nangyari sa kanya pero naipaliwanag niya.

“Oo nga kasi nire-reject ng katawan natin ang emosyon na ito parang ayaw nang maramdaman (ulit) ‘yun,” sey ng aktor.

“Paano ninyo nairaos ‘yung ganu’n eksena,” tanong ulit ni Bianca.

“Tulungan talaga as in walang susuko hindi namin pababayaan ang isa’t-isa sa tulong nina direk (Petersen Vargas) ‘yung AD (assistang director) namin, buong team, buong staff and crew,” sambit ni Joshua.

Ikinwento ni Bianca nang si Julia naman daw ang nakausap niya ay inamin nitong natuwa siya sa balik-tambalan nila ni Joshua na napag-uusapan na nila ngayon ang mga eksena at kung paano ito gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Oo kasi dati inlove lang kami dati sa isa’t isa, everytime na sasalang kami sa eksena ay nagkukulitan pa kami parang may sarili kaming mundo but now, very professional na ang approach namin at nag-uusap kami kung may gagawin akong adlib o may gagawin siyang adlib,” pahayag ng aktor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending