‘Un/happy For You’ closure sa relasyon nina Julia at Joshua
ANG tarush ng pelikulang “Un/happy For You” nina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil sila lang ang nag-iisang local movie na nagbukas kahapon, Agosto 14, sa mga sinehan.
Umabot na nga sa 200 theaters sa Metro Manila, isama pa ang Baguio City at Pampanga, ang ibinigay sa Star Cinema at Viva Films para sa naturang pelikula.
Ang ibang foreign films na nagbukas din kahapon ay ang “Borderlands”, “Cuckoo,” “Flint Strong,” “My Penguin Friend,” “Harold the Purple Crayon”, “Trap” at “It Ends with Us.”
Ang nakita naming puno ay ang “Un/Happy for You” at “It Ends with Us” na parehong palabas sa Cineplex Gateway Mall 2. Pinanood namin ang mga ito na halos pareho ang kuwento – nauwi sa hiwalayan ang magkarelasyon.
Going back to JoshLia movie ay hindi kami fan ng magka-loveteam pero pinapanood namin ang mga pelikula nila dahil may kilig naman talaga ang tambalan nila.
Baka Bet Mo: Reunion movie nina Joshua at Julia mapangahas, nakakatakam, spicy!
Ganu’n naman kami kapag nanood ng sine, kapag kinilig, natuwa at naiyak bukod sa nairita/nagalit sa bida dahil effective sila ay maganda na ito para sa amin.
Inilalagay namin ang aming sarili bilang ordinaryong manonood at hindi bilang taga-industriya o movie reviewer para i-discuss ang usaping teknikal pero minsan nadadale rin namin kapag talagang hindi kami na-satisfy o nagandahan.
Anyway, para sa amin ay ito ‘yung closure ng relasyong Julia at Joshua na ginawang pelikula na matagal nang hinintay ng lahat.
Wala kasing nagsalita kung ano ang dahilan kung bakit naghiwalay ang JoshLia na sobrang in-love sa isa’t isa 6 years ago.
Nagkasya na lang ang lahat sa napanood na video ng awiting “Paubaya” ni Moira dela Torre kung saan ipinakitang ang saya-saya nina Josh at Julia at nang ikakasal na ay umatras ang huli at doon na nag-iyakan nang husto na hiningi nila sa isa’t isa ang pagpapatawad.
Kaya nang mapanood namin ang “Un/Happy for You” ay parang nagka-ideya kung bakit naghiwalay ang dalawa, ang pagiging immature ni Josh.
Naalala namin noon na ang isa sa pinagkakatampuhan ng JoshLia ay dahil walang ginawa ang aktor kundi maglaro ng Mobile Legends na halos hindi na siya natutulog.
May linya si Julia sa pelikula na nag-mature na ang aktor at natutuwa siya na binabalikan naman siya pero hindi nangyari na alam naman ang dahilan.
Hindi man nagkabalikan sa kuwento ang JoshLia ay super kilig ang supporters nila, ang mahalaga ay nagkabalikan silang gumawa ng pelikula.
Ang tanong, masusundan pa kaya ang kanilang reunion movie?
Anyway, natuwa kami dahil maraming nanood at sumuporta sa pelikulang Pinoy na sana ay magtuluy-tuloy na, isama na rin ang iba pang local films na magbubukas sa mga susunod na buwan bago ang 2024 Metro Manila Film Festival na magdiriwang ng ika-50 anibersaryo.
Congratulations sa Star Cinema at sa Viva Films at siyempre sa buong Team Un/Happy for You.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.