Gladys Reyes nanumpa na, itinalaga ni PBBM sa MTRCB Appeals Committee
PROUD na ibinandera ng batikang aktres na si Glady Reyes ang kanyang oathtaking na naganap sa Malacañang Palace kamakailan lang.
Ito ay matapos siyang mapili bilang miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Appeals Committee, representing the television industry.
Sa Instagram, mapapanood ang video ni Gladys na nanumpa sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Caption diyan ng aktres, “It’s an honor to be appointed by the Office of the President as Member of the Appeals Committee of MTRCB, representing TV industry.”
Wika pa niya, “Oathtaking officiated by the Executive Secretary of the [Philippines] Honorable Lucas Bersamin.”
Baka Bet Mo: Gladys Reyes nasasaktan kapag sinasabing walang ginagawa si Christopher Roxas: May ibang career ang asawa ko
View this post on Instagram
Kung curious kayo kung bakit wala si MTRCB chair Lala Sotto?
Isang independent body kasi ang MTRCB Appeals Committee na nasa ilalim ng Office of the President.
Ibig sabihin, ibang ahensya pa ang mismong organisasyon na hawak ni Lala.
Anyway, may isa pang IG post si Gladys na ipinapakita ang ilang litrato na kuha sa kanyang oathtaking, kasama niya riyan ang kanyang ina, kapatid at kaibigan.
Chinika rin ng veteran actress na biglaan ang nasabing event kaya hindi pa nakakauwi mula sa Australia ang kanyang mister na si Christopher Roxas at mga anak.
Dagdag pa niya sa post, “Gabayan nawa ako ng Ama sa panibagong tungkulin na iniatas sakin.”
“Sa akin pong mga kasamahan sa Committee on Appeals sa pangunguna ni Asec. Atty. Jeffrey Gallardo, nawa ay magawa ko po ang aking bahagi bilang isa sa kinatawan ng industriya sa telebisyon sa abot po ng aking kakayanan,” mensahe pa niya.
View this post on Instagram
Kung matatandaan noong 2011 nang unang itinalagang miyembro ng MTRCB si Gladys sa ilalim ng pamumuno ng dating chairperson na si Grace Poe.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.