BINI Gwen nakiusap ng ‘privacy’ sa fans, Lea Salonga relate na relate
UMAPELA muli ang nation’s P-Pop girl group na BINI pagdating sa kanilang privacy.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), inihayag ng isa sa mga miyembro ng grupo na si Gwen Apuli ang kanyang saloobin matapos ang isang insidente na hindi niya nagustuhan.
Naikwento niya na may mga kumakatok pa raw sa kanilang kwarto para lamang magpa-picture sa kanila.
“Nakakalungkot, palala na [nang] palala,” paglarawan ni Gwen sa nangyari noong Miyerkules, August 14.
Baka Bet Mo: Maris Racal napagkamalang si BINI Gwen nang rumampa sa Pride March
Dagdag pa niya, “I really hope everyone respects people’s privacy. ‘Yung personal time we’re trying to adjust eh kasi wala ganun na talaga, pero kahit privacy na lang.”
Mensahe pa ng BINI member, “We always try na mapagbigyan kayo sa pagpa-picture but please, not to the point you’ll go knock [on] our rooms just for a picture. Thank you.”
View this post on Instagram
Ni-retweet ito ng isa pang miyembro ng grupo na si Aiah Arceta at inihayag din ang kanyang pagkadismaya.
“We genuinely care for and appreciate everyone who supports us. However, at the end of the day, tao lang din kami and need din namin ng personal time and space para makapag-recharge,” sambit niya sa X.
Patuloy niya, “Recharged BINI girlies = renewed energy and positive spirit that can radiate to everyone else.”
“Thank you to all the blooms who are very respectful with our space and have asked nicely for a photo, the best kayo,” ani pa ni Aiah sa ibang fans.
This is what I had been talking about before.
— Aiah Arceta (@bini_aiah) August 14, 2024
Todo sang-ayon din diyan ang broadway icon na si Lea Salonga at shinare sa kanyang Instagram Stories ang naging pahayag ni Bini Gwen.
Caption diyan ni Lea, “SAY IT WITH ME…RESPECT BOUNDARIES!”
Wika pa niya, “Hate me all you want for beating the drum loudly about this (I’ll gladly be the villain in your story) but the entitlement and disrespect is just too much!”
Lahad pa ni Lea, “The ladies of Bini are human beings!”
Tila naka-relate ang veteran theater actress sa Pinoy pop girl group dahil matatandaang nag-viral ang video kung saan tumanggi siyang magpa-picture sa mga fan na sumugod sa dressing room matapos ang kanyang performance sa musical na “Here Lies Love.”
View this post on Instagram
Marami ang bumatikos sa broadway icon, pero nanindigan siya na mali ang ginawa ng mga naturang fans at sa kabila raw ng pangnenega at pang-ookray sa kanya sa social media ay patuloy niyang poprotektahan ang sinasabi niyang “boundaries.”
“We’re human beings. First of all, we need to rest, we need to take time for ourselves. When we say goodbye, when we make our curtain call, we head back to the room, that’s it,” saad ni Lea sa isang interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.