Angeli Khang kinasuhan ang ama, kulong agad pag umuwi ng Pinas
SINAMPAHAN pala ng Vivamax star na si Angeli Khang ng kaso ang kanyang South Korean father dahil sa ginawang pananakit nito sa kanya pati na rin sa isa pa niyang nakatatandang kapatid noong bata pa sila.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, naikuwento niya kung paano ang ugali ng kanyang ama na isang sundalo sa Amerika.
Mayroon ring pagkakataon na kahit anong makita ng ama ni Angeli na pupwedeng pamalo ay inihahampas nito sa kanila gaya na lang ng dos-por-dos na kahoy.
Kaya naman tumakas noon ang kanyang kapatid sa poder ng ama at pumunta sa Pilipinas kaya siya naman ang napagbalingan nito sa pananakit.
Baka Bet Mo: Angeli Khang sinasaktan ng ama, pumapasok sa school na puro pasa
Bekyk hierdie plasing op Instagram
“Bigla niya ‘kong nginudngod sa hugasan ng mga plato. Nginudngod niya ‘ko do’n, at one week niya ‘kong hindi pinakain,” lahad ni Angeli.
Nasanay na nga lang daw siya at pumipitas na lang ng mga prutas sa garden nila upang maibsan ang gutom.
Sani pa ni Angeli, “I actually thought that was a normal parenthood. Opo, na kapag nagkamali ka, normal lang na saktan ka ng tatay mo, ng parents mo. But, hindi ko na-realize na sobra-sobra na pala.
“Na hanggang sa na-realize ko na lang na pumapasok ako sa school na may pasa, dumudugo ‘yong kamay ko. Ang lagi lang sa’kin sinasabi ni Daddy to comfort me, ‘I want the best for you.’”
Kaya naman ng nang malaman sa school ang ginagawa kay Angeli ng ama ay naalarma ito at pinauwi siya sa Pilipinas.
Noong natuklasan ito ng kanyang ina ay agad silang nagsampa ng kaso laban sa kanyang ama.
Tagumpay naman sila dahil may warrant of arrest na ang tatay ni Angeli at pwedeng hulihin anytime kapag tumuntong ito sa Pilipinas:
“May warrant of arrest na. ‘Yong case na finile namin, it took a lot of years. Ang daming dilemma na nangyari, but good thing nag-push through siya,” sey ng aktres.
Bagamat mabigat ang napagdaanan ay handa pa ring bigyan ng kapatawaran ang kanyang ama sakaling mag-sorry ito sa kanya dahil matanda na rin ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.