Claudine may hugot sa mga 'ahas': Masakit pala matuklaw!

Claudine may hugot sa mga ‘ahas’: Masakit pala matuklaw!

Ervin Santiago - August 13, 2024 - 12:05 AM

Claudine may hugot sa mga 'ahas': Nasakit pala matuklaw!

Janelle Jamer at Claudine Barretto

HINDI na naka-follow sa isa’t isa ang magkaibigang Claudine Barretto at Janelle Jamer sa kani-kanilang Instagram account.

Kaya ang tanong ng mga netizens, totoo bang tuluyan nang nasira ang friendship ng dalawa nang dahil sa umano’y matinding sama ng loob ni Claudine sa kanyang BFF?

Malalim ang hugot ni Claudine sa kanyang cryptic post sa Facebook na may kinalaman sa isang matalik na kaibigan na ikinumpara niya sa “ahas.”

Baka Bet Mo: Bakit nag-sorry si Mommy D sa mga um-attend sa campaign rally ni Manny Pacquiao sa San Juan?

Kalakip ang litrato ng ahas ay ang makahulugang quote na, “People who stay friends with your abusers aren’t your friends. Knowing what the abuser did to you and yet choosing to maintain a bond with them is a clear sign of lack of loyalty.”

Narito naman ang caption na inilagay ng aktres, “Sabi nila a Snake sheds their skin only to become a bigger snake. Kaya ayoko ma mag peeling dahil ayoko maging ahas. masakit pala matuklaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)


“Kung talagang mahal mo mga anak ko at mga claudinians d mo dapat ginagawa yang ginagawa mo. d na uso amg plastic ngayon.

“Ang akin lang pag mga anak ko pati mga claudinians d mo nirespeto malaki problema mo. kaya tayong lahat maging POSITIVE AT BAWAL ANG NEGA. nakaka pangit yan.

“Basta ako mahal ko ang mga anak ko at mga Claudinians. mag mula ng di mo pinahalagahan mga bata at claudinians sorry we don’t deserve you.

“Godbless you pa rin. sana masaya ka at sana wag ka na rin mang damay ng mga iba ko pang Kaibigan sa journey mo na saktan ako. kasi last day na ng libing ng friendship/BFF na to.

“Kahit saang angle mo pa tingnan mali yung wala kang paki alam sa mga fans ko at mga anak ko. so good riddance. THANK YOU SO MUCH!!!!”

Pero after two days, ni-revise ni Claudine ang caption sa kanyang post, “Masakit pa rin pala pag nasasaktan kaibigan mo. thank you sa lahat ng messages of luv & support.

“I didn’t pose this to hurt the person who hurt me. masakit sobrang malaman na nasasaktan sya.

“But I posted kasi I wanted my claudinians to know how much luv & gratefulness i have for all of u. you always have my back & protect me.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes hindi takot sa ahas: May mga kilala naman akong ganito

“Ako naman wag lang galawin mga Claudinians ko at ipagtanggol mga anak ko kahit di na ako. mahirap pag may 3rd person na nanggagatong at nakiki alam. pag ang mga kaibigan nag aaway try mo pag ayusin wag palalain yung away kasi never kang mananalo kung ang Claudinians at mga anak ko na ang tinatalo mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)


“Lumalalala ang gulo pag may nagsusulsol. d ka inaano wag lang nakiki alam na parang battle mo to. na di ka na tutulong dahil sa comnections mo.

“Remind ko lang NAMATAYAN NA KO, NAHIWALAY and Im still standing! d ka kawalan kaya lumayo ka na at wag pa involve sa problema namin. d aabot dito kung di rin dahil sayo.”

Kasunod nito, tuluyan nang binura ni Claudine ang isinulat niyang caption at hindi na rin mababasa ang comments ng netizens.

Base sa reaksyon ng kanyang socmed followers, mukhang ang pinatatamaan ng aktres ay ang mga BFF niyang sina Janelle Jamer at Tia Perfecto.

Ayon sa isang netizen, “Hayyyyyy naku!! Ang hirag sa taong snake [snake emjis], ito talaga si TP Toilet Paper ang nagpa gulo sa sister kong mabait na love na love namin dito sa Cebu sis clau, nong dahil kay TP Toilet Paper nagkagulo ang sis clau ko at BFF J nya sayang ang closeness nilang dalawa na super love nila isat isat but itong si TP nagpa gulo! Lavannnn sis clau we love you here in Cebu. Cebu loves you so much.”

Ang reaksyon naman ng isang Instagram user, “Omg Janella Jamer and Tia Perfecto???!”

Samantala, naka-private na ngayon ang IG ni Janelle Jamer pero may mga netizen na nakapag-screenshot ng isa niyang post na hinihinalang sagot niya sa post ni Claudine.

“I’ve been hurt, but it’s okay. You just have to move on and learn that not everyone thinks the same way you do.

“Never get tired of spreading love and peace to everyone. And never regret the love you give to someone, because you should give it withot expecting anything in return.

“You just have to choose to forgive while also protecting your energy but keep the good memories and carry those lessons with you to grow. And let others judge you without knowing the truth, because it doesn’t define your character- it defines theirs.”

Isang followers niya ang nagtanong ng “Si clau po ba kaaway mo?” Na nireplayan niya ng, “Wala po ako kaaway.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pang-uusisa pa ng isang netizen kay Janelle kung bakit sila nag-away ni Claudine, sagot niya, “Wala po akong kinawawa na fans and wala akong ginawa sa mga bata.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending