Jameson nagpaalam muna kay Mccoy bago ligawan si Elisse; Hindi nasira ang friendship | Bandera

Jameson nagpaalam muna kay Mccoy bago ligawan si Elisse; Hindi nasira ang friendship

Reggee Bonoan - August 21, 2019 - 12:54 AM

 

MAGKAIBIGANG tunay sina Hashtags McCoy de Leon at Jameson Blake. Kaya walang isyu kung nagde-date man si Jameson at si Elisse Joson, ex-girlfriend ni McCoy.

Kapag magkasama ang dalawang young actor sa promo ng pelikula nilang “G!” na entry ng Cineko Productions sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa Set. 13 ay hindi raw nila napag-uusapan si Elisse.

Ayon pa sa aming source, nagpaalam naman daw si Jameson kay McCoy na lumalabas sila ni Elisse at wala naman itong kaso sa huli dahil matagal na silang wala ng dating ka-loveteam.

Hindi pa magkarelasyon sina Jameson at Elisse, “getting there” ang terminong ginamit ng binata nang tanungin siya kamakailan tungkol sa kanila ng dalaga. Hindi rin itinanggi ng tisoy na aktor na napapasaya siya ng dalaga.

Walong buwan nang lumalabas sina Jameson at Elisse kaya huwag nang magtaka kung isang araw ay aamin na ang dalawa na opisyal na silang magkarelasyon.

Samantala, mukhang in-love talaga ang binatang aktor kay Elisse dahil ginagawan pa niya ito ng tula. Hindi lang namin alam kung natapos na niya ito.

Sa ganang amin, walang pressure para kay McCoy kung napunta na sa kaibigan niya ang dating karelasyon dahil matagal na nga silang hiwalay.

Ang pressure ay na kay Elisse na ngayon dahil magkaibigan nga sina McCoy at Jameson na pareho pang miyembro ng Hashtags.

Well, iba na ang takbo ng millennials ngayon kaya siguro wala ng awkwardness sa pagitan nila. Hindi na issue sa kanila ang nakaraan at ang mahalaga ay kung ano ang meron sila ngayon.

Going back sa pelikulang “G!”, successful ang nakaraang provincial tour nila handog ng Pista ng Pelikulang Pilipino na ginanap sa Marquee Mall at Vista Mall, Pampanga nitong Agosto 17 dahil sadyang inabangan sina McCoy at Jameson minus Paolo Angeles at Mark Oblea na parehong may prior commitment.

Nakumpleto naman ang Tropang G Boys sa ginanap na mall show sa SM City San Mateo nitong nagdaang Linggo, Agosto 18.

Abangan ang “G!” kung saan kasama rin ang Kapamilya tween star na si Kira Balinger na mapapanood na simula sa Set. 13 mula sa direksyon ni Dondon Santos produced ng Cineko Productions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending